Atty, we would like to seek advice from you regarding the notice to vacate from a lawyer that our neighbors received yesterday. The story goes like this, this property is owned by spouses who doesn't have kids, they allegedly adapted a child when they were still living but during our course of investigation, there was no adaption paper executed till the spouses died. The adapted one was a nephew of the deceased female spouse. To make the story short, the adapted child has children, plenty of them and now claiming the said properties. Actually these claimants already the grandchildren of the deceased.
Ang property tax po sa lupang eto ay hindi po bayad 25 years more or less. May nakatira po na masasabi nating informal settlers po sa ngayon. Kahapon po nakatanggap sila ng letter galing po sa abogadong anak nong nag ki-claim na heir sa lupa. Etong mga informal settlers po dati pa hinihingan nila ng upa or bayad sa lupa, may mga nakatira pong willing magbayad at bilhin ang lupa ngunit ang problema po sa pagkakaalam po namin hindi po nila kayang matituluhan ang lupaing eto sapagkat hindi nakapangalan ang titulo sa kanila kundi sa orihinal na may ari at yong ama nila na adapted "daw" na masasabi nating heir sana kung may adaption paper lang na na execute di po ba?
Ngayon po, ayaw po umalis nong nakatira at kasi iba po sa kanila may paunang bayad na dati, walang resibo or ano mang dokumento na binibigay kapalit nong binayad nila, kasi yong iba po takot lang dati na mapaalis kaya nagbayad nalang po. Ngayon po ayaw na nilang magbayad kasi nasasayang lang ang bayad nila pero di naman pala pwedeng maging kanila ang lupa kasi mahabang proseso pa ang gagawin. So ayaw po nilang umalis.
Ang tanong po namin ngayon, kapag bay di sila umalis, may magagawa po ba ang nag ki-claim nong lupa? Pano po kung pwersahan po silang paalisin at gagamitan ng dahas? Ano po ang dapat nilang gawin? Tama po bang court order ang hihingin nila galing don sa nagki-claim at hindi lang yong letter na gawa nong abogada nilang anak? May laban po ba sila kung magmatigas silang umalis sa lupa kasi po sayang naman po ang mga pinambayad nila dati. Ang nangyayari po kasi ngayon, piniperahan lang sila neto, sayang naman po.
Sana po atty matulungan nyo po ang mga kapitbahay namin sa problemang eto.
Maraming salamat po.