Good day! Ang sitwasyon po namin ngayon ay meron kaming kahoy na bakod sa lot namin sa isang subdivision. Ngayon ang kapitbahay namin, nagpagawa ng pader in between ng properties namin. Dahil nga sa natanggal ang ibang bahagi ng bakod, nasira na ang gate namin at natumba. Nang hilingin namin na sana ipaayos yun sa karpintero nila (dahil sa parating wala ang may-ari ng bahay), pinagtawanan lang kami at pinagsabihan na wala na silang panahon na ayusin yun. Ganun lang ba iyon pwera sa kahoy lang ang naging bakod namin at kami na ang napeperwisyo ngayon? Saan rin ba pwedeng ireklamo ang pambabastos ng karpintero nila?
Free Legal Advice Philippines