Good Evening my name is gemma, may nireklamo po ako na kapitbahay dahil nakita ko po sya na binabali nya ang aking antennae ng sasakyan. kinompronta ko po sya una ayaw nya aminin eh kitang kita ko po na hawak hawak nya ang bali na na antennae hanggang sa sinabi nya na ipapagawa na lang daw nya.pinablotter ko po sya at nagharap na kami sa barangay kasama ang barangay captain sinabi din nya sa barangay captain na babayaran daw nya pero sa august pa sinabi po ng kapitan na masyadong matagal ang august at hindi rin po ako pumayag kasi sa ginawa nya hindi ko po matanggap at isa pa po hindi lang po yan ang nangyari sa aking sasakyan binasag na po ang windshield ng sasakyan ko at binuhusan ng pintura ang hood, tinanggal yung tatak ng sasakyan ko sa mags at ilan beses na rin po finlat ang gulong ko eh bago po ang gulong ko so dahil di po ako pumayag sa gusto nya na ako daw muna magpagawa at unti unti na lang daw nya ako babayaran kaya nirefer na kami ni kapitan sa Lupon ng barangay sa pagharap po namin tinatanggi na nya kaya gusto ko na po iakyat sa mataas na proceso which is magpa file na po ako ng kaso.ano po ang maipapayo nyo sa akin?ako na po mismo ang nakasaksi sa pagtatarantado sa sasakyan ko it is God's will na rin ang nangyari na bumaba ako ng bahay para may bibilhin sana kahit hindi ko gawain ang bumaba ng pasado alas dos ng madaling araw. gusto ko po panagutan nya lahat ng mga damage na ginawa sa sasakyan ko?ano po ang laban ko pag mag file na po ako ng kaso?maraming salamat po at sana matulungan nyo po ako. God bless.
Free Legal Advice Philippines