magandang araw po uli snyo atty. ako po yun Jiper sa mga naunang post, d gumagana yun bago password po kaya gumawa nlng ako bago account.
Tanong ko lng po sana ano po ba ang nangyayari sa Arraignment? End ng February po kc kailangan ko umuwi ng pilipinas para makapunta dun.
Ready na po ako pauwi next week, natatakot lang po ako na baka hindi uli makabalik s trabaho ko d2 s abroad dhil nandito po ang asawa ko at wala siyang makakasama. possible po ba yun na mapa Hold ako sa Airport pgpaalis npo ako uli?
May problema rin po ako sa ibang kasama ko sa kaso na idinamay lang din po ang pangalan. sila po yun mga bisita ko na nagtatrabaho s callcenter. pinapirma po kasi sila ng baranggay official sa logbook nun, hindi daw sila pwede lumabas ng bahay namin kung hindi sila magsulat ng pangalan at pumirma. 2 lalaki at 2 babae po na katrabaho ko yun pauwi nun at lahat po sila nasa subpoena at dapat makapunta s arraignment.
yun 2 lalaki po, may contact pa ko s facebook at alam npo nila, pero hindi po nila binibigyang pansin kc istorbo lng daw yun at wala nmn daw po sila talgang kasalanan, in short, hindi po sila pupunta.
yun 2 babae naman po, yun isa dun, wala po akong contact khit yun iba ko po na katrabaho. yun isa naman pong babae pa, nagmeMessage po ako s facebook niya, pero hindi po nagrereply.
Nagaalala po ako sa kanila Atty., baka po mapasama sila, nadamay lng po kasi talaga name nila katulad ko at ng mga magulang ko.
ano po kaya mangyayari sa kanila pgkatapos ng arraignment kung hindi po sila makapunta?
maraming maraming salamat po Atty.