naku, maraming salamat po AttyLLL, d ko po expect na mabilis maReply yun post ko, maraming salamat po.
ang alam po namin naIfile na nila kasi nga po inasikaso na ng piscal tapos po nung nakaraan lang natanggap namin yun letter, resolution down to SPI. tapos po nagbigay rin ng schedule na sa february ay paghaharapin pa kung iaareglo o hindi bago tuluyang iTurn Over sa korte.
Atty, maaari nyo po bang magbigay ng halimbawa kung ano po yun "direct proof that they knew that they were lying"?
yun tumayong testigo po kasi ay yun may tindahan sa harap mismo ng bahay namin na mismong tapat rin kung saan nangyari yun saksakan at suntukan.
alam ko po na mahirap paniwalaan na sila e binayaran para magsinungaling.
tahimik po ang ibang kapitbahay namin na may alam sa pangyayari, pero po, pgnakakausap ako nung ilan, pabulong nilang sinasabi sa akin na naniniwala sila sa amin at alam nila na binayaran ng complainant yun.
my issue rin po sa complainant at sa kapitan. Bias po yun kapitan, mgkumpare po ang ama nung nabugbog at yun kapitan ng lugar namin.
kung sa tingin nyo po na hindi na nararapat balikan sila ng perjury, ikoConsider ko rin po. masyado lng po kasing madami silang naabala, hindi lang mga magulang ko, ako po ay nasa ibang bansa, ngayon kailangan ko bumalik balik ng pilipinas, gastos po s tiket at bawas po sa sahod ko.
tapos po yun mga bisita ko na tagaManila, nadamay rin kahit mga babae. kasi po, pauwi napo sila pagkatapos nung pangyayari, e hinarang po sila ng kagawad na nagiimbestiga nun at ayaw sila palabasin hanggang di sila pumipirma sa baranggay logbook. tapos nagulat na lang kami, pati sila, lahat ng nakasulat sa logbook, e nadamay na sa kaso kahit babae.
maraming salamat po talaga Atty, Godbless po.