Meron po kaming kaso ngayon na dapat ay wala na,last year pa po kami nagkaayos ng nakaaway ko. Nakatanggap po ako ng letter ngayon from Department of Justice dahil ung complainant ko ay hindi nakapagfile ng Affidavit of Desistance nung nagkaareglo kami, Nagbayad po kami ng 3000 each so 9000 po natanggap nung nakaaway namin, Tapos nagdagdag kami ng 1k para makapagfile siya ng Affidavit of Desistance. Pero dahil di siya nagfile ng Affidavit of Desistance na nakasaad sa letter babalik daw ung kaso namin ng mga kaibigan ko to Further Investigation. Hawak ko po ung letter from Department of Justice, Pero wala namang nakalagay kung anong dapat namin gawin or kung pupunta ba kami don. Ano po ba ang dapat naming gawin?