Good day Atty!
Seek lang po ako ng legal advice.
May ni-loan po ang nanay ko na worth P30k sa isang financing company noong October po. Nakapaghuhulog naman po siya., Pero dahil nga nagipit kame, may time nung December na nag-issue siya ng check, apparently tumalbog po iyon. Pero it doesn't mean na tinakbuhan na niya yung obligasyon niya.. Where in fact nagbabayad pa rin siya hanggang umabot na lang sa P13k yung utang niya netong March.
Atty., Di po siya nakapaghulog ngayong March, so ang ginawa ng financing company, hinatak po yung dalawang gamit namin na nagkakahalaga ng P30k kung brandnew. So, hindi na brandnew so sila na nagpresyo na worth P13k na lang daw yun.
1. So, feeling ko po panggigipit po yun, na dalawang gamit namen ang kinuha yung isa worth P25k at P5k nung brandnew. Di pa ba sapat na kunin na lang nila dapat isa lang dahil worth P25k naman yun?
2. Yung Voluntarily Surrendered na papel na pinapirma sakanya hindi po siya na-notaryo, wala din pirma yung representative ng financing company na yun at pati witness ay wala din. To think na may nakalagay na space para sa mga nabanggit ko na yun.Legal po ba yung paghatak nila?
3. Lage po nilang ginagamit sa pangigipit yung bouncing check na na-issue ng nanay ko nung December. Di naman po niya tinakbuhan yung obligasyon niya. Dahil mula January hanggang March naghuhulog naman po siya kahit papaano. Tama po ba yun, na lagi nilang tinatakot nanay ko na magsasampa sila ng kaso dahil sa bouncing check na yun?
Salamat po Atty. Sana masagot nio po ang mga tanong ko.
Mabuhay po kayo!