Gusto ko lang po sana mag tanong at humingi ng legal advice about sa Ninang at Ninong ko sa kasal na nag benta samin ng Bahay at Lupa na ngayon ay napa renovate na namin...Dati maayos naman yung samahan namin...nasa abroad ang asawa ko....tinulungan kami ng Ninang ko kuno mag hanap ng bahay at etong bahay nila nga ang napili namin...nag karoon kami ng Verbal agreement na mag ddown kami ng P30,000 para daw maiayos na ang ilaw ang linaw ng usapan nila ng asawa ko through skype nakikinig din ako sa usapan nila sabi niya pa " Mag down na kayo ng P30,000 para pag lipat niyo ayos na yung kuryente " dahil sa tiwala nag down kami ng 30k may proof ako dahil hinati ng asawa ko yung padala niya isang 16k at isang 15k yung 15k sa kaniya nakapangalan at may pirma din siya sa resibo ng cebuana...meron din kami kasulatan na nag down kami ng 30k sa abogado... actually ang usapan namin bbilhin namin yung bahay worth 130,000 plus 35k na babayaran namin sa NHA para ma full na yung payments...ilang beses tinanong ng asawa ko na sure na daw ba yung 35k na yun oo naman ang sagot niya....then after ng pag down 1 week siyang di nag pakita sa amin after one week lumitaw si ninang kuno sa bahay namin ang She said nagastos daw niya yung pang bayad ng kuryente dahil daw naospital daw yung nanay ng asawa niya sabi niya sakin " pag binayaran ng buo yung bahay 70k lang iaabot niyo sa asawa koako na bahala mag abono ng 15k daw na pang ayos ng kuryente" I agree dahil karapatan niya talagang abonohan yun dahil ginastos niya yung pera....after nun umuwi ang asawa ko...lagi na silang nasa bahay mag asawa kinukulit kung kailan daw babayaran yung bahay sabi ng asawa ko mag wwithdraw pa kami sa manila pero nangungulit sila...hindi umubra ang kakulitan nila...pero kinabukasan naman nun nag punta na kami mag asawa ng bangko at nag withdraw nung tapos na ang bayaran at nasa NHA na kami nagulat kami dahil pinababayaran na niya sa amin yung 53k na kulang daw sa NHA totoo naman dahil may papel nagulat yung asawa ko at nainis dahil ang usapan eh 35k lang sabi ng asawa ko wala na kaming pera 10k nalang ang saktong pera namin mag-papakasal pa kami that time sabi niya ok sige 10k nalang dagdag niyo so nasira nanaman ang usapan namin 35k lang naging 45k sa NHA...siguro naman sila na ang may kasalanan sa pag aabono nila dahil ang naging usapan namin is 35k lang....
After ng bayaran nagalit ang asawa ko sakin...nadisapoint siya sa nang yari...pero wala na kaming magawa bayad na at may deed of sale na...mautak ang ninang ko kuno nag pagawa siya ng 2 deed of sale isang 130k at isang 25k yung 25k daw yun ang ipakita sa NHA para mababa lang ang bayaran namin...
After a month napagawa na yung bahay dun ko nakita tunay na ugali nila..pag wala kaming pera wala sila pag meron nandun sila
Then ngayon po hindi na kami nag papansinan sa totoo lang naka jamper kami ngayon sa kuryente dahil may kaso sa pala sa meralco yung lupang nabili namin pero sabi naman ng nag kakabit basta may titulo na to pwedeng ilaban na kabitan ng kuryente...but the point is hindi namin alam na jamper pala to...na wala palang kuryente dahil ang usapan may tubig at kuryente ito...another disapointment....kung di pa ko nag punta sa meralco hindi ko pa malalaman na damay pala tong lupang to sa kaso ng kamag anak ng ninong ko kuno....
month of november bago kami lumipat nag karoon kami ng komprontasiyon sa bahay at iginiit niya na binayaran niya daw sa meralco ng 10k yung utang nitong lupa sa meralco para kabitan kami...hinihingi namin yung resibo pero wala siyang naibigay ang sabi ng isa sa empleyado sa meralco na kapurok namin imposibleng verbal lang ang naging bayaran dahil iba ang kaso nito sa meralco kaya hindi kami kakabitan kung walang resibo..pero iginiit niya na wala daw talagang resibo kaya no choice kami matapang pa siya sa amin eh
Ngayon Buwan nag paparinig siya sa labas ng bahay na kesyo mayaman daw kami bakit hindi pa mag pakabit ng kuryente...gusto na siyang patulan ng nanay ko pero hindi namin ginawa...pero ang pinaka nakakainis sa lahat kinuhaan niya ng picture itong bahay without my consent kaya agad-agad siyang pina blotter ng mama ko....
nag harap sila kahapon 10 am at dineny ang lahat ng verbal agreement namin pera niya daw yung 10k at talagang nag bayad siya sa meralco...wala daw kaming karapatan sa bahay na to dahil hindi daw kami ang bumili pera daw ng asawa ko ang pinang bili dito kaya wala akong karapatan o isa man samin ng mama ko tanggap ng mama ko yun pero ako hindi....lalo na nung sinabi niyang hindi ako ang kausap nila kung hindi ang asawa ko...samantalang papaano niya makakausap ang asawa ko na nasa abroad kung hindi dahil sakin..at paano mabibili ang bahay na to kung hindi dahil sa akin dahil ako ang taga rito...ako ang kausap nila...lahat deny ang inabot at masasakit na salita ang binitawan nila sa mama ko ultimo personal na buhay namin ay isinama ng ninang ko kuno...sinabi pa nila na gagawa daw sila ng paraan para daw hindi matituluhan tong bahay na ito at sa ninong kuno daw nakapangalan ang rights nito at di nila pipirmahan ang hinala po ng asawa ko ay balak nila kaming huthutan para makuhaan nanaman ng pera patuloy pa nilang sinasabi na sila daw ang pinakinabangan namin which is not true dahil sila ang nakinabang sa amin dahil kung hindi namin binili tong bahay ay hindi sila mag kakapera pwera pa ang mga perang ibinigay ko sa kanila kapalit ng pag tulong nila sa akin sa pag aasikaso habang inaayos itong bahay namin
.pwede po ba humingi ng legal advice about dito...may documents po akong hawak mga deed of sale binayaran sa NHA at yung papel na dated noong 2012 na sinasabi niyang kailangan paraw naming bayaran na nag kakahalaga ng 10k please po need ko ng advice asap ayoko po ma disapoint nanaman sakin ang asawa ko hirap na po ako maraming salamat