Patulong naman po, ano po ang dapat ko na gawin sa lupa na pinatayuan ko ng bahay na nasa public land? Ang may ari po ng rights neto ay ang tiyahin ko at nag -usap kami before (2017) pa na patayuan ko ng bahay yung lupa at babayaran ko siya ng hulog-hulugan sa loob ng 2 taon. Tama po ba ang presyo niya na 250k kasi yun daw nagastos niya sa pagpatambak at pagpagawa ng pundasyon (bale ako na ang nagpatuloy sa pagpatayo). At ngayon nalaman ko na pina-blotter daw ako sa barangay ng pinsan ko na pinagkakatiwalaan nung tiyahin ko (nasa abroad kasi tiyahin ko.) Bale 10k pa lang naibibigay ko pala. Tama po ba ang kanilang ginawang aksyon? eh nag-usap naman kami before pa. sana po matulungan niyo ako.
Gumagalang,
Manuel