Sir, ang computation po ba ng final pay sa Call center industry is controlled by DOLE or may sarili silang format? 5 years po kasi ako nag work sa call center tapos nag-immediate resignation kasi pupunta ako ng ibang bansa. ang alam ko po, parang may penalty talaga kapag hindi nag bigay ng 30 day notice. Depende po ba sa company kung part ng final pay yung years of stay?
Pinadalhan ako thru email ng final pay status ko, nag-result siya as negative amount, pero wlang computation specially yung percentage ng penalty.
Nagkaroon p ako ng clawback which is the same amount as my basic salary.
Ganun po ba talaga sa mga call center?