Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

FAILURE TO DEPLOY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1FAILURE TO DEPLOY Empty FAILURE TO DEPLOY Mon Feb 10, 2014 7:31 pm

kgnet317


Arresto Menor

Good Day Attorney!

Gusto ku po sana humingi ng Legal Advice para po sa Case ko Against my Agency and Employer in QATAR.

Last June 2013, nag post po ng CALL CENTER Agent vacancy ang Agency ko. Nag Apply po ako at nag pa interview sa isang Qatari Employer, naswertehan ku naman po at natanggap ako sa opening na yon.

Nag simula po ang Document Processing. Contract Signing, Medical, Visa Processing, Visa Stamping, POEA Processing, Bayad ng Placement FEE, at PDOS. Lahat po ng documents ko ay ready na like OEC, Contract, VISA, Exit Pass... Maliban sa TICKET.

Pinag Resign po ako ng agency last November 2013 pa po dahil ang sabi nila minamadali na po ako ng employer ko na makaalis. Nag PDOS po ako December 9, 2013. Simula po nun wala na pong update sakin ang Agency kung KELAN talaga ko papadalahan ng TICKET ng Employer ko. Ang palagi lang po nila sinasabi ay "WAIT LANG" puro po cla ganun hanggang sa pinatawagan ku na sa pinsan ko na nasa Qatar yung Employer ko duon. Nalaman ko po na naka HOLD daw po ang deployment ng NEW HIRE at CONFIDENTIAL daw po ang Reason. Ipinaalam ko po agad sa Agency ko ang nalaman ku na yon, ang sabi po nila wala daw silang alam na ganun ang nang yari dahil hindi din daw po nakikipag Coordinate ang Employer sa kanila.

Sa madaling sabi po, naka pending ang pag alis ko at walang linaw.

By Feb. 27, 2014 mag EEXPIRE na po ang VISA ko. Feb.06, 2014 nag sabi na po ang Agency na sumagot na daw ang Employer at HINDI na daw po ako makakaalis BAGO mag EXPIRE ang VISA ko po. Pinag hihintay po ako ng 3 to 4 months pa para iprocess daw po ulit ng Employer ang panibagong Visa ko.

3months na po akong walang trabaho dahil pinag resign nila ako dahil aalis na daw po ako. Ngaun po biglang HINDI nadaw po ako makakaalis nang WALA PONG MALINAW na dahilan kung bakit hindi na po ako papaalisin, ang sabi lang po hindi na daw po ako papadalahan ng ticket ng Employer.

Anu anu po ba ang pwede ko gawin sa case ko? Gusto ko po sana na mag karoon man lang ng danyos perwisios sa ginawa nila sakin o kaya  po malaman ku lang kung pano po ba ako lalaban at kung may laban po ba kaya ako sa Agency at Employer?

Willing naman po I-REFUND ng Agency ang mga ginastos ko. Pero nararamdaman ko po na hindi iyon sapat sa ginawa nila sakin

Sana po ay matulungan nyo po ako.

Lubos na gumagalang po...

Antoniette Bautista

2FAILURE TO DEPLOY Empty Re: FAILURE TO DEPLOY Tue Feb 11, 2014 10:21 am

alexisbantilan


Reclusion Perpetua

Hi Antoniette,

You can file breach of contract, because once you signed a contract you are considered hired.
Then you can also file complaint for PROMISING A JOBS ABROAD, im not really well versed on which article I read this illegal act of an agency.
Immediately file it in POEA and DOLE.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum