Last Oct. 2016 napasok po ng baha ang warehouse or bahay na pinaglalagyan namin files at gamit. Itong warehouse ay pinupuntahan lang pag kami ay may dinadalang lumang files o gamit. May isang department na walang lagayan ng gamit nila at nakilagay sa warehouse namin or bahay.nabasa ito sa baha at balak pa nla ikaltas sa akin ang nabasang bagay.
Binigyan po ako ng notice to eplain at sinagot ko po at binigyan po ako ng diciplinary action.
Nung una pa lang naireport ko na nababasa ang a loob kaya nag suggest ako na ilipat ang warehouse ngunit may nangyari sumunod siguro na baha kaya nadamay ang iba.
nadiskubre iyon kaso yung taga ibang department ang nakadiskubre hindi ako na may hawak ng susi.. hawak ko lng po ang susi pero pumupunta lng ako dun pag kailangan at pag may utos sa akin.
Tanung:
1. matatawag po bang warehouse custody ko ang warehouse na bagsakan lng po ng gamit namin at pumupunta lnbg naman ako dun pag may utos at nagkataon lng na may importanteng gamit na nabasa.
2. Pwede ba nila ikaltas sa akin ang nabasa kahit itoy dahil sa baha at di ko napigilan.
3 Pwede ba ako matangal sa trabaho?