Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LOAN WITH COLLATERAL & LEGAL OBLIGATIONS OF THE AGENCY

Go down  Message [Page 1 of 1]

yellow4zand


Arresto Menor

hello

Inerefer po ako ng isang training school papunta sa UK under student visa to work and study sa UK. May agreement po ang school sa pinas at sa UK. Pinahiram po ako ng school ng pera to pay for my tuition fee and pocket money in return may written promisory note po ako at collateral na deed ng lupa. Sa 5 applicante po na ni-refer ng school ako lang po ang nabigyan ng visa.

Pagdating ko po sa UK, hindi po naging maganda ang lahat, di po ako nagigng studyante at nagsarado po ang school na pinasukan ko dahil wala po sila lisensya at hindi ko na po nakuha ang pera na binayad namin lahat. Nawalan po ako ng matutuluyan at makain dahil wala na po ako pera pang gastos. Kinausap po namin ang agency/school sa pinas na nag refer po sa amin dito sa UK kasi sila po ang ka-tie up. sabi po nila wala na daw po sila responsibilidad sa akin kasi naka alis na daw ako ng pinas. At wala po silang ginawang action para matulungan ang ibang applicante para mabawi ang pera sa company na ka-tie up nila dito sa UK.

Nagkaroon po ng kaso ang school dito sa UK, dahil sa fraud and malicious business practices. During sa trial, nabangit po sa imbestigasyon ang mga pangalan ng agency na ka-tie up sa pinas. Nagalit po ang CEO ng agency sa pinas at sinasabing dinamay ko sila sa kaso dito sa UK. Bawal po magsinungaling sa court at kung anung tanong sa akin or sa amin lahat eh pawang totoo lang ang sinagot namin.


Anu po ba ang laban ko dito sa kasong ito, kasi po gusto nila ako idemanda dahil sa pera at sa pagdamay ko sa kanila sa kaso dito sa UK. May legal obligations po ba ang agency sa pinas? When it comes sa loan ko since may collateral ako na title anu po ang laban ko sa kanila?

looking forward po sa reply.
Salamat!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum