We need your legal assistance kung paano po namin mapipigilan na i reposses ng financing company ang bahay namin.
My sister used her house and lot as a collateral sa isang financing company at na approve po sya in the amount of 200,000 pesos. Though nagbayad naman sila ng sunud sunod na payment for 3 months with a monthly payment of 12,000.oo evry month kaso lang na default kami ng 9 nine months at hindi na kami nakapagbayad pagkatapos nun.
Just this year lang nakatanggap po kami ng demand letter galing sa company telling us na kelangan namin bayaran ang total amount due with the inclusion of interest na 576,000.00 pesos. so binigyan lang nila kami ng palugit na 1 month to pay the 576,000.00 kaso lang wala po talaga kaming mahiraman ng pera , Kya ang gnawa ko nag loan ako sa pag ibig to help my sister para ibenta nya sa akin ang property nya using my pag ibig loan. Na approve ako ng pag ibig for 876,000.00 kaso lang hindi naman sya ma irelease kaagad ng pag ibig dahil daw kelangan na i clear muna ang title ng ate ko.
We are trying our best naman po na mabayaran ang financing company ng 400,000.00 kaso lang ayaw nila tanggapin ang pera and they are requiring us to pay the full amount of 576,000.00.
Hindi po talaga kami makapag palabas ng ganung amount and we utilized evrything na para makahanap ng maheraman ng pera pambayad sa kanila.
Now ang gusto nilang mangyare is i buy back ang bahay namin at kami ang bibili ng property sa kanila using my pag ibig loan. kaso lang po di namin alam kung magkano naman ang magiging property value pag sila ang nagbenta ng bahay sa amin.
willing naman po kami magbayad ng utang namin kaso lang po kelangan lang namin ng enough time para mapunan ang kulang pa sa nirerequire nilang ibayad namin.
Naka state po sa kontrata na ang terms ay 3 years pa bago ma fulfill ang payment namin sa kanila , nagtataka na lang kami na hindi pa nga umabot ng 3 years ang term ay nagdedemand na sila na bayadan ng full payment ang inutang namin sa kanila.
Kelangan po namin ang legal advise nyu talaga. Ano po ba ang nararapat naming gawin ? should we file a case against them?
I would really appreciate po if you can enlighten us regarding this issue..
Thanks poAdmin!
Epan here from Quezon City