Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

MERALCO METER

Go down  Message [Page 1 of 1]

1MERALCO METER Empty MERALCO METER Fri Aug 30, 2013 1:42 am

lady_saratoga


Arresto Menor

MERALCO METER View

Ano po ba pwede ko pang gawin dito?

Sa picture po ay makikita nyong may idinugtong na parang tindahan.  Dati po ay wala yan pero nung tumira sa amin yung brother kong me asawa, idinugtong nya yung kwartong yan at yung Meralco meter namin na dating nasa pader ng house ay pumasok sa loob ng kwarto nya.  

Nagkaroon naman po sya ng sariling electric meter pero nung maputulan, nagjumper sya sa amin.  Nalaman ko po ito sa Meralco nung magpunta ako sa main office nila.

Walang ginawang action ang Meralco kundi ang kausapin lang ang brother kong (ubod sya nang barumbado).  Until now nasa loob pa rin ng kwarto nya ang Meralco meter namin.

So napagod na po ako sa kahihintay ng action ng Meralco so nag-apply ako ng transfer ng meter para mailabas.

Noong nakabili na ako ng lahat ng materials na kailangan at kukunin na ng electrician yung metro para ilabas, nagwala yung kapatid ko at inaway yung electrician so sa madaling salita, hindi nailabas yung meter.  Nasa loob pa rin until now.

Bumalik ako sa Meralco at ang sabi, mag-aaply daw po uli ako na mailabas yung metro.

Nagalit ako sa Meralco..Ang sabi ko, "Nasaan na yung sinsabi nyo sa advertisement nyo na ang pagnanakaw ng kuryente ay may kaparusahan?  Ano ito false advertisement?  Wala kayong pakialam dahil binayaran ko naman yung nakunsumo ng barumbado kong kapatid? Dahil wala akong magawa kundi bayaran dahil pumasok sa bill ko consumption nya kahit nagjumper sya sa akin? Hindi nyo ba sya huhulihin?

Ang sagot ng Meralco:  "Sorry po, wala po kasi kaming police authority.  Kung gusto nyo po, kumuha kayo ng attorney."

Minsan, ang sarap pumili na lang ng kapatid.  Nakuuu!
Ano pong aksyon ang dapt kong gawin dito?  Ayaw naman tumulong ng Meralco.

 Ayaw naman magpa post ng external link



Last edited by lady_saratoga on Fri Aug 30, 2013 1:44 am; edited 1 time in total (Reason for editing : I could not see the picture I uploaded)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum