Tanong ko lang po kung paano ma contest yung inangkin na lupa ng heirs namin sa heirs ng kapitbahay.
Merun kaming existing tax declaration(latest) dated 1980 sa heirs namin tas itong kapitbahay namin nag issue ng bagong TD (1986) sa heirs din nila tas ina add sa bagong TD yung lupain na sa amin. Ngayun ibenenta nila yung lupa sa iba kasama na yung ninanakaw. Paano namin habulin yun? Di naman cancelled yung TD namin tas paano na survey yung lupa ng bagong TD nila? makikita sa previous TD nila na naiba yung boundary descripton sa bago na (1986).
Gusto ko mag file ng case sa seller at ano ang consequence ni seller(thief) at ni buyer.
Thanks po ng marami.