Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Land property and land title problem

+4
antonio ekis
Beladyee
hustisya
Loriemaybanz
8 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Land property and land title problem Empty Land property and land title problem Mon Mar 06, 2017 7:34 pm

Loriemaybanz


Arresto Menor

Hello po. Ask lang po ako sa karapatan namin. Ganito kasi nabenta ng mama ko sa brother n law yung lupa namin dahil sa pangangailangan nagsakit papa ko hanggang sa namatay tapos nagsakit naman ang mama ko, pero hindi boo ang pagbigay nila 4 years bago na paid ngayon lang po na paid and worth thousands lang po. Nasa kanila na ang title of land namin pero wala pang deed of sale at nasa pangalan pa ng mama ko ang titulo ng lupa. Tapos ngayon po may investor na bumibili ng lupa doon sa lugar namin at gusto bilhin ang lupa namin woth million tapos gusto namin ibenta tapos bayaran sila sa nabigay nila x2 or hati sa pera pero ayaw pumayag ng kapatid ng mama ko at brother in law na ibenta namin at ayaw nilang ibigay ang title ng mama ko. Ang tanong ko po ano po ba ang paraan para ma force ibigay nila yung title ng mama ko?.kung ayaw talaga nilang pumayag pwedi ba kami maka demand sa brother n law ng dagdag pera sa nabigay nila? Ano po ba dapat gawin?. Salamat po.

2Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Wed Mar 08, 2017 5:52 pm

hustisya


Prision Correccional

Kung ipipilit nyo ang inyong karapatan pwde nyo pa mahabol yan kung wala namang katibayan o maipapakitang dokumento na may naganap na bentahan ng lupa sa pagitan ninyo at ng iyong brother-in-law. Ngayon ang tanong simple lang, kung binenta nyo na pala sa brother-in-law nyo at siya ay fully paid na, ibig sabihin ay wala na talaga kayong karapatan dun sa lupa. Siya na ang may karapatang mag desisyon kung gusto o ayaw nyang ibenta iyon. Kumbaga, manindigan na lang kayo sa usapan o bentahan nyo kahit ito ay wala pang deed of sale at nakapangalan pa sa nanay mo. ika nga, usapang tao sa tao na lang iyon. Fully paid na pala eh.

3Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Wed Mar 08, 2017 6:03 pm

Loriemaybanz


Arresto Menor

Ganito po kasi yun nabenta lang ng mama ko kasi nagkasakit papa ko pang tostos gasto sa medicine sa amount na 200k installment hanggang ngayon gipit pa po kami. Tapos ngayon may investor na gusto bilihin tapos ang share namin sana ay 1.2m ang ibang lupa bininta except lang sa amin ayaw nila ibenta. Cguro as family dapat bigyan din nila kami.

4Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Wed Mar 08, 2017 6:10 pm

Loriemaybanz


Arresto Menor

Wala pong katibayan na may nangyari na bentahan kasi verbal lang po lahat nag simula lang sa prenda kasi ang lupa hanggang sa benenta nalang ng mama ko kasi hindi sapat sa pang tostos ng medicine ng papa ko hanggang namatay. sa amount nga binigay nila sa amin hindi man lang naka kalahati sa survey na gawa ng investor.

5Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Wed Mar 08, 2017 6:20 pm

Loriemaybanz


Arresto Menor

Pwedi po ba mag hingi nalang kami ng dagdag sa na bigay nila? Wala naman pong kontrata na nakasaad kung magkano ang bentahan ng lupa. At the end pamilya pa din po kami ang sa amin lang makita nila yung sitwasyon namin kasi sila may kaya tapos kami hindi.

6Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Fri Mar 10, 2017 9:02 am

hustisya


Prision Correccional

Alam nyo po, ang pinag uusapan dito ay ang "lupa" at ang "bentahan" ninyo. Labas po dito ang anumang dahilan ninyo sa pag gagamitan nyo ng pera. Ngayon po, kahit po installment yung pagbayad sainyo ang importante po sa ngayon ay kumpleto na o fully paid na si brother-in-law mo sainyo sa halagang napag usapan at napag kasunduan nila ng nanay mo noong araw.

Gaya nga po ng sabi ko, kahit po walang katibayan na may naganap na bentahan sainyo, uulitin ko po, manindigan po kayo sa usapan nyo. Usapang tao sa tao na nga lang po, ika nga. Hindi rin po nila kasalan kung mas mahal yung presyo ng investor ngayon kasi po yung lupa ay naibenta nyo na sa kanya. Pwde po kayo humingi sa kanya pero hindi po kayo pwde mag demand.

7Land property and land title problem Empty What to do? Fri Mar 10, 2017 9:59 pm

Beladyee


Arresto Menor

Hi my mother passed away last April. I am an only child, how do I transfer ownership of the property she left behind? We have the same surname I am a single mom with three kids.

8Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Sat Mar 11, 2017 12:06 am

antonio ekis

antonio ekis
Arresto Menor

Same case sa lupa namin na nabili ng tatay ko sa kapatid at bayaw nya. Usapan ay bentahan at may pinirmahan pang waiver of right ang kapatid at bayaw nya. Ngayon ay binabawi ng mga anak(Parang Kayo!) at ayaw tanggapin ang waiver of right na pinirmahan ng magulang nila. Palibhasa ay mahal na ngayon ang bentahan kumpara 30 years ago. Hindi agad inilipat ng mga magulang ko ang titulo sa kanila dahil hindi naman nila inisip na magagawa ito ng kapatid at mga pamangkin nya sa kanya. Again, parang kayo lang din, ayaw nyo i honor yung napag usapan ng mga magulang nyo, dahil nakita nyo na mas mahal na bentahan ngayon? Pwede pa kayo makiusap na magdagdag sila pero hindi nyo dapat sila pilitin. Kami ngayon patuloy ko inilalaban yung kaso na yan ng tatay ko. At magkakagalit kami ng mga pinsan ko.... pero alam ko Maka KARMA kung sino man ang nagsisinungaling sa amin.

9Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Mon Apr 03, 2017 5:55 am

rodavil67


Arresto Menor

May problema po ang asawa ko sa 5.6 hec. na agri. land na inaalagaan nya. Ang titulo ay nakapangalan sa kanilang lolo at matagal ng ang mga bianan kong lalaki ang nagbabayad ng buwis nito dahil ang lupang ito ay verbal na itinuka sa kanya ng magulang ng bianan kong lalaki at ibinigay na sa bianan ko ang titulo nito subalit hindi ito napatituluhan ng bianan ko at ngayong patay na si papa (bianan ko) ang asawa ko na ang nangangalaga nito. Ang problema ngayon, ang mga kapatid ni papa ay naghahabol sa lupa, may karapatan ba sila dito? Buhay na naman ang bianan kong babae, may karapatan ba si mama sa lupang ito?

aviquivilmel


Arresto Menor

Gud day po..Meron po kaming minanang lupa mula sa aking yumaong ama at kami na lang po natitira niyang tagapagmana, dahil yumao na din ang mga kapatid nya na mga tumandang binata at dalaga. Kaso wala pa pala etong land title pero may tax declaration po na nakapangalan na sa mga kapatid ko. Nagpabuklat po kami sa DENR kaso wala din syang technical descriptions sa kanila. Gusto na po naming mapatituluhan kaso nun nagpasukat kami ayaw nun mga katabing may ari ng property na payagan ang surveyor na makapasok sa kanilang property para masukat ang lote na minana namin  kaya ang sinukat na lang ng surveyor ay yun mismong lote namin at nagulat kami na nabawasan eto mula sa sukat na 87 Sq. meters  ay naging 80 Sq. meters na lang eto. Panu po kaya namin eto mahahabol kung sakali at mapapatituluhan gayun ayaw naman makipag-cooperate sa amin ng mga katabing property? Ang property po ay nasa loob ng town proper. Anu po kayong legal remedy para po dito para mapatituluhan namin ang lote?

aviquivilmel


Arresto Menor

aviquivilmel wrote:Gud day po..Meron po kaming minanang lupa mula sa aking yumaong ama at kami na lang po natitira niyang tagapagmana, dahil yumao na din ang mga kapatid nya na mga tumandang binata at dalaga. Kaso wala pa pala etong land title pero may tax declaration po na nakapangalan na sa mga kapatid ko. Nagpabuklat po kami sa DENR kaso wala din syang technical descriptions sa kanila. Gusto na po naming mapatituluhan kaso nun nagpasukat kami ayaw nun mga katabing may ari ng property na payagan ang surveyor na makapasok sa kanilang property para masukat ang lote na minana namin  kaya ang sinukat na lang ng surveyor ay yun mismong lote namin at nagulat kami na nabawasan eto mula sa sukat na 87 Sq. meters  ay naging 80 Sq. meters na lang eto. Panu po kaya namin eto mahahabol kung sakali at mapapatituluhan gayun ayaw naman makipag-cooperate sa amin ng mga katabing property? Ang property po ay nasa loob ng town proper. Anu po kayong legal remedy para po dito para mapatituluhan namin ang lote?

chan2x


Arresto Menor

Si Lola ko po is a pure subanen (di marunong magsulat at bumasa) pinalabas nung anak (sa unang asawa ni lolo) na kailangan ni lolo ng pera para pang hospital tapos kailangan daw ni lolo na isanla ang lupa para matulungan ito kasi during that time hiwalay na sila kasi kinuha nung first family si lolo (yung mga anak nya).Sa halagang 1,000pesos to be exact pina thumbmark si lola (kasi di marunong magbasa) sa papers wherein yun pala ay bentahan na papeles na pala. Before sya namatay she really cried out for JUSTICE. wala po kasi ni isa sa anak nya nag nakapag-aral kahit highschool man lang. ngayon ang umangkin ng lupa ay matanda na rin at nasa america. may nilapitan kami dati pero parang binayaran sya ng kabila kasi kapamilya plang din namin at sa kanila. sana po meron pa kami laban.

13Land property and land title problem Empty Re: Land property and land title problem Thu Dec 28, 2017 9:27 pm

Kaigabe


Arresto Menor

Good day po. Ang bahay at lupa po na tinitirahan ng mga anak ko ngayon ay binili ng nanay ko sa kapatid nya..ito po ay likod ng lupat bahay na kinuha nila sa isang subdivision. Meron po deed of sale at nasaksihan ko ang bentahan kasi 4th yr high School ako noon. Sabi ng mama ko bago sya pumanaw noong 1995 ang natitira n lbg daw bayarin ay 15k at wag daw bayaran hanggat hindi naiibigay ang titulo sa kadahilanang hinuhulugan pa nila yun noon sa developer. Sa ngayon ay ng claim ang tiyahin ko na wala bayarang naganap at kanila pa rin daw yun at peke daw ang deed of sale at gusto kunin ang property. Pero buhay pa po ang tatay ko which is nakasaad din ang pangalan sa naturang deed. 2beses kamibg sinampahan ng falsification of document pero Natalo sila dahil marfami din kaming testigo. Gusto po naming magkakapatud na maisaayos na ang lahat..paano po ang magandang hakbang para makuha na nmin ang titulo ng bahay.pwede pa ba kaming magsampa din ng kaso davil sa perwisyo at gastos na dinulot ng pagdemanda nila sa amin. Salamat po sa mag advise..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum