Ang friend ko ay nag work sa school at sya ay pinagkakaisahang apihin ng mga kasama sa trabaho. isang araw ay meron syang nakitang anomalya sa mga kasamahan nya. merong activities at palabunutan nang araw na yon ngunit ang mga guro ay nagsabwatan at ipinasa ang first price winning number sa kaibigang guro. Ngunit ng ipinaalam ng aking kaibigan sa punung guro via formal letter ang anomalyang naganap sya pa ang nawalan ng trabaho. Ngayon dahil sa galit ng aking kaibigan sa paninira ng mga ibang guro nag email sya sa mga kasamahan nya sa trabaho kung ano ang totoong naganap na anomalya nang araw na iyon upang malaman nila ang katotohanan at sa susunod ay hindi na sila magsayang ng perang pambili ng mga tickets kung nagkakadayaan lang din naman.
Ang tanong may pananagutan ba sa batas ang aking kaibigan dahil isiniwalat nya ang totoong panglolokong ginawa nila? Salamat sa inyong kasagutan.