april 2012, nakabili ako ng kotse sa imus, cavite. paso ng 1 yr ang rehistro ang declared ng may ari at yun lang ang problem daw kasi hindi maasikaso ng kanyang anak na nasa abroad. binili ko ang sasakyan sa halagang napagusapan at inuwi sa amin sa manila. kinabukasan, minabuti ko na iparehistro at pagkatapos ay pinagawa sa aking mekaniko ang clutch dahil hirap ng umandar. habang nasa proseso ng pagkumpuni ang aking mekaniko, nagulat sya na nalaglag ang kapirasong bakal na kung saan nakaukit ang engine number nito. minabuti ko na sabihan agad ung pinagbilhan upang ipaalam ang estado ng kanilang ibinenta. nagkita kami makaraan ang isang linggo para pagusapan ano ang gagawin. gumawa siya ng kasulatan na papalitan niya ang buong makina pati ang pagpaparehistro nito at nakasaad sa sulat ang kanyang pag amin sa estado ng sasakyan. naisaad din ang petsa Mar 2, 2012 para sa paunang bayad ng pagpalit ng makina at rehistro. dumating ang petsa at nagkita kami sa SM Bacoor, KFC. pagdating doon pinagusapan namin ang payment scheme at iniabot sa akin ang perang nakasobre. bigla nalang sumulpot ang 8 pulis at pinosasan kami ng akin kasama at dinala sa presinto ng imus. doon namagitan ang pulis na tila kanilang kakilala na ang naging usapan ay 50/50 ang hatian ng bayarin sa makina na kung tutuusin ay kakulangan ng nagbenta sa akin dahil hindi niya idineklara na ganun ang estado ng sasakyan. kinuha ng mga pulis ung aming unang kasulatan at pinagawa ako ng bago. nagkaron ng 2 partial payment na 7,000 at 3,000. pero kadahilanan na din ng aking paglapit sa aking kaibigang abogado, minabuti namin na magsampa ng demanda ng estafa sa manila city hall. nagkaroon ng 3 hearing ngunit hindi sumipot at respondent. nagsumite ng motion to re-open the case ang respondent at nagkaroon ng 2 hearing ngunit hindi na naman sumipot. sinabi ng fiscal na antayin daw ang resolution. ngaun, halos apat buwan ko na inaantay ay wala pa din ang resolution at halos isang taon ko na hindi magamit ang sasakyan na dapat ay gagamitin namin ng akin pamilya sa pang araw araw na hanap buhay. na-trauma pa kami at naapektuhan pati ang hanap buhay sa nangyari. ano po ang nararapat kong gawin dito?
salamat po ng marami
salamat po ng marami