Ask lang po ako assistance regarding sa problem ko. Nakabili po kasi kami ng sasakyan last year sa isang airport police.According sa airport police dati po itong goverment vehicle (airport service vehicle). Ang first owner daw nito ay kasamahan nyang airport police din pero patay na. Nung binili namin ito kami na ang nagrenew ng rehistro dahil di nairegister for 2 years. That time di pa namin pina change owner kase medyo kinapos budget namin.Kya di namin napansin yung chassis nito. After a year nag abroad yung husband ko at naiwan yung fx sakin at napagpasyahan naming mag asawa na ibenta na lng kesa mabulok dahil wala naman gagamit nito. ipinost ko ito sa sulit.com. In other words, nabili po ito. Nung pumunta yung buyer binayaran nya agad and nagpagawa kami deed of sale. After a month tinawagan po ako nung nakabili at sinabi nya sakin na naimpound daw yung sasakyan dahil nung irerenew nya yung rehistro nito ay pina sabay nya ang pag pa change owner then dun lang nafound out na tampered nga daw po yung engine. Nung magkausap kami nung buyer ko ipinakita nya sakin CR iba nga po nakalagay na engine no. sa CR compared dun sa stencil result..at iba din po yung nasa resibo kase parang nag change engine po ito. Magkakaiba yung no. sa CR, resibo nung binili na makina at sa stencil result.
Ngayon po binabalikan ako nung bumili sakin. Question ko lang po. May liability pa ba ako dun kahit may deed of sale na kami? Honestly di din po talaga namin alam na tampered yun.. If in case po na meron pa kami obligasyon dun pwede ko din ba balikan yung pulis na nagbenta samin nung fx? Ano pong case ang pwede kong isampa dun sa pulis na binilhan ko.
Thank you very much and hope matulungan nyo po ako.
Sincerely,
Janet