good day po. kailangan lang po ng advice. meron po kc kaming bukirin sa mama papa ko po ito pero wala na po sila. bale po 8 kaming magkakapatid at ang dalawa po dito hindi kasundo ng anim kasama na po ako dun. yung panganay po namin at yung isa pa, gusto po nilang sakahan na wala pong pahintulot man lang sa amin. meron po ba kami pwedeng gawin para hindi nila magawang sakahin ang share din namin 6, kasi po hindi po kami sang ayon sa desisyon nilang dalawa. ano po ang dapat namin gawin para hindi nila ma sakahan ang part na sa amin din? pwede po ba ipasukat ko ang lupa kung ilan ang share ng bawat isa ay yun lang ang sakahin nila yung share lang nila? pwede ko po bang ilapit ito sa mga abugado at magpagawa ng kasulatan na hindi po kami sang ayon na pati part namin ay paki alaman pa nila? please po tulong lang po para magawan po namin ng dapat at tama. maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines