CaseLogic wrote:Buti na lang di ganyan ang Boss namin! Lucky us..
Actually yun supervisor nga namin e pinagbigyan pa na kainamang panahon yun empleyado para makapag improve.
Infact, binigyan pa kaming lahat ng INCREASE up to 30k. Just to encourage all employees. Unfortunately,
naiwan sya. And ginawa naman lahat ng supervisor nya na maihabol sya. Sad to say, di na nya daw kaya.
Kaya ok lang din na mamahinga na sya, di nya daw kase kayang isabay ang sariling business sa work sa opisina.
Wait lang na materminate sya para may separation pay. and Humingi pa sya ng tawad at lubos na pasasalamat.
Kase yun tinuro sa kanya ay ginagamit nya naman sa pagtuturo.
Kaya nga sabi ko sana lawyers na lang nag input. Hindi balasubas. Para di nakakagulo. At walang nagmamarunong.
sa kason ineffeeciency, walang puwang ang preventive suspension. wlang basis/ground. ang preventive suspension kasi proper lang sa mga kasong may threat na makakaempluwensya ng witnesses ang suspended employee o sa maka tamper sa docs. hindi yun ganon sa kaso ng empleyado mo. ang basis niyo e:trip alng.
at kung inefficient ang empleyado nyo, bakit siya naging regular. di ba dumaan siya sa pagiging proby? inaassess ang kanyang kakayahan, at napatunayang magaling nga kaya nga naging regular. Later on inefficient na pala, di ba pwedeng sabihing na mas inefficient ang management/HR in particular, sa pag-asses sa kanya?
sahihin mong epal ako at nagmamarunong, ala namang problema un di naman ako apektado kasi masaya naman ako sa buhay ko. Pero, papaano ang suspended/terminated ninyong empleyado? malamang may 1 year old na anak yan na umiinom pa ng gatas.
na suspend/terminate hindi lang dahil katangahan mo kundi narin sa pride at tigas ng ulo mo.
alalahanin natin, na ang ating pinag-usapan ay grounds at procedure. kung tlagang may malasakit ka, at ayaw mo naman maniwla sa in house lawyer ninyo, bat hindi ka tumawag ka sa sikat o kahit man lang lehitimong law firm at doon ka kumuha ng intelehenteng payo. galante naman kayo, sabi mo. wag dito, yun LANG TALAGA ang makukuha mong payo kasi libre.... talagang may soso, pakialamero at nagmamarunong na magpapayo sa iyo dto.
isang pinagpalang araw sa iyo kaibigan.