Kailangan ko po ng advice nyo sa sitwasyon ko. Katulad po ng karamihan na nakita ko na nagsusulat dito ako rin po ay isang call center agent. Ito naman po yung scenario ko:
Nag pass po ako ng resignation letter last Feb 4, 2013 sa Tl ko effective on Feb 15, 2013. Immediate resignation na hindi po pumayag yung operations manager namen at kailangan ko nga daw po na mag render ng 30 days. I am aware po sa pag render ng 30 days, pero kinakailangan ko na po talaga mag file ng immediate dahil sa March 9, 2013 po and ticket ko papunta abroad. I explained to them that I need to resign immediately effective this coming Feb 15, 2013 kasi yung remaining days ko po ay kailangan ko din po ayusn and mga dapat ayusin bago ako umalis, kailangan ko pa din po umuwi ng probinsya namen, ilipat nag mga gamit ko sa nanay ko because I have to give up my place, pumunta ng dentist, etc. I told them that I wanted to have a good exit and alam ko naman po kasi na in the future kakailanganin ko din yung COE ko, so ayoko po mag AWOL even though I know I can do that. Kinausap ko po ang HR namen, sabi po sa isang representative na nakausap ko, bago po nila i process e kailngan daw po ay pirmado na muna ng TL and OM ko. Pero, ayaw parin po pirmahan ng OM namen yung resignation ko, ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po.