good day atty, kahapon po kasi nagattend ako ng case conference for termination kasama doon ang team leader ko isang co-worker, operations supervisor, operations manager at ung employee relations officer. diniscuss po doon kung bakit ako nasa case conference at bakit for termination na ako pero hindi ko po naramdaman ang fair treatment dahil sa una palang hindi ko alam bakit sa dami namin ako ang inunang tanggalin at base daw sa metrics namin pero pagtitignan hindi ako ang pinakamababa.we have a shared file all employees can see their current ranking. dahil hindi alam talaga ng employee relations kung paano ang operation sa department namin pinaexplain ko sa mga boss ko nanandoon pero iba iba ang sinasabi nila at nung pinacheck ko ung file namin para makita ng employee relations pero nagrefused silang gawin un, para sakin un nalang ang proof o evidence ko na hindi dapat ako ang tanggalin nila pero tinaggihan nila ipakita un.recorded po ang naganap na case con.
nafeel ko na hindi fair ang ginawang case con kaya kahit for investigation pa daw sabi ko magreresign nlng ako at sabi ng employee relations mga boss ko na raw kausapin ko. pagkatapos ng case con agad ako nagsubmit ng resignation letter kahit hand written lang inaccept naman agad ng operations manager namin. Meron po ba akong pwedeng ireklamo laban sa kanila? salamat po.