My colleague kasi ay high risk ang pregnancy and advise talaga ng ob nya ang complete bed rest until delivery, which is 6 mos pa. Twice na rin kasing nakunan ito so slim talaga ang chances na mabuo yung baby nya. Sa HR may rule samin na as long as magsubmit ng valid med cert at approved ng boss pwede ng extended leave.
Ang problem yung company doctor kept on denying yung med certs nya at every week na nagrerequest ng med cert sa officemate ko para lang ma-approve ang med leave nya. Take note, ang prenatal once a month lang, di covered ng healthcard namin ang prenatal so may bayad ang pagkuha ng med cert at bed rest nga ang kelangan niya so di sya dapat nagkikilos.So far 5 med certs na nabibigay nya.