Na-process ko ung clearance ko November 16, 2012. When I followed up
with the company nung December 6, 2012, Nagulat ako na Stale (Expired)
na daw ung check ko. Tapos sabi nila na kailangan nila na i-request
ung new check for me. Medyo nagulat ako kasi hindi naman nila sinabi
na mag-generate na ng check for me. Ang aware po kami is makukuha ung
check after ng clearance. Sabi nila 1 month after ng resignation
nag-generate na sila ng check. Pero hindi naman nila nasabi un sa
akin.
Pwede po ba na mag-generate ang company ng last pay check kahit hindi
nag-clearance?
If ok lang sa kanila na mag-process ng final check, required ba sila
na mag-inform sa mga dating employee na ganun ang process nila dahil
posible na mag-expire ung check?
May maximum ba na panahon na pwede mag-claim ung employee?
If nakapag-clearance na, may maximum days ba para bayaran ng company
ung final check?