Ganito po ang nangyari, This year month of february ako po ay nakapagtrabaho sa isang kumpanya, ang kumpanya pong ito ay manufacturing, inilagay po ako sa posisyun na kung tawagin ay Senior Officer hinahawakan ko po ang isang department dito ang sahod ko po ay 12,000/month, naka dalawang bwan palang po ako ay nag leave po ako dahil ako ay nagkasakit nawala po ako ng 2 linggo, pagbalik ko po sa opisina ay sinabi ng aking superior aalisin na daw po nya ako papa end of contract daw po nya ako, ako po ay nakiusap ngunit di po nya ako pinakinggwan. Kinausap po ako sa opisina ng HRD at ng may ari ng kumpanya, sinabi po nila na hindi ako aalisin ngunit ililipat po sa ibang posisyun, ako po ay walang pinirmahan na end of contract o demotion letter o kahit na anong documento, ang tanging pinirmahan ko po ay isang contrata nakalagay po doon ang date na may 4 sa bagong posisyon na Purchasing/Packaging Clerk at sasahod po ng 400/day. Hindi ko po alam na bawal pala ang magbaba ng sahod at sa panahong iyon ay kaylangan ko ng trabaho kaya tinanggap ko po.
Kung bibilangin ko po nag umpisa ako ng February akala ko po after six months ma reregular na ako, ang sabi po nila nung ako ay kinausap nila, ung dati ko daw pong posisyun at contract na ang sahod ko po at 12,000/month ay null and void na daw po iyon? Maari po ba ang null and void na sinasabi nila ganung wala nman po akong pinirmahan at hindi nila po ipinaliwanag ng maayos sa akin, sa madaling salita po ngayon november ay hindi parin ako regular sa kumpanyan, gusto nnman po akong ilipat ng posisyun sa labas ng opisina dahil di ko raw po nagagawa ng tama ang aking trabaho.
Inililipat nnman po ako sa production area bilang inventory clerk, ayoko na po sanang tanggapin dahil napakalaking kahihiyan para sa akin ang ilang beses na akong nilipat lipat ng posisyun. Kung di ko tatanggapin ay kaylangan kong magresign dahil un ang gusto nila ayaw nman po nila akong i terminate para mailaban ko ito.
Ano po ba ang dapat kong gawin, may laban po ba ako ibinaba nila ang sahod ko? hangga ngayon ay di parin ako regular, gusto nila akong ilipat nnaman para ibang contrata nanaman at para di nanaman po ako ma regular?
Sana ay matulungan po ninyo ako at mapayuhan. Balak ko po sanang magresign ngayong end of november dahil po nahihiya na ako sa mga tao dito.
Maraming salamat po.