Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1SPECIAL POWER OF ATTORNEY Empty SPECIAL POWER OF ATTORNEY Tue Apr 06, 2010 11:38 pm

PuzzledMe


Arresto Menor

Hello..

May question lang po ako about Special of Attorney.. before I left the Philippines last January, nag-iwan na ako ng special power of attorney, assigning my mother as my attorney-in-fact. Siyempre ang SPA general siya, kasi hindi ko naman alam kung saan magkakaroon ng problem, pero just in case nag-iwan ako para hindi mahirapan mag-act ang mother ko. pero ang alam ko, na-cover nya lahat ng klase ng transactions na gagawin ng mother ko on my behalf dahil almost 1 year akong mawawala.

Then nung nawala ang ATM account ko, which by the way is a payroll account sa bank na iyon. pinapakita ng mother ko ang SPA na iniwan ko, but the bank refused it. sabi nila dapat daw magpagawa ako ng bagong SPA specifically for them at dapat original at pirmado ng notary public (?) kung saang bansa man ako at dapat certified (?) ng philippine consulate/ embassy, which unfortunately ay nasa ibang state pa. so this will take at least mga 2 weeks siguro. at kung gagawa ako ng SPA from my end, e gagastos ako equating to Php 8K! Excluding yung amount na babayaran sa Philippine Consulate, eh for sure hindi pwedeng by mail lang iyon. Dapat personal. hayz! Eh hindi naman ako nagwo-work dito, student lang ako.

Ang question ko tama ba na hingan pa nila ako ng bagong SPA, well in fact, ako din naman ang nag-asikaso nung SPA na iniwan ko sa mother ko? Hindi po ba pwede iyon?

Thank you in advance!
Puzzled Me

2SPECIAL POWER OF ATTORNEY Empty Re: SPECIAL POWER OF ATTORNEY Sun Jul 04, 2010 7:31 pm

wolverine2

wolverine2
lawyer

Ang ibig sabihin po ng SPA ay Special Power of Attorney. Uulitin ko po and letrang S na kumakatawan sa salitang SPECIAL. Iba rin po ito sa tinatawag na GPA na ibig sabihin ay General Power of Attorney. Tulad ninyo, ako rin po ay puzzled kung bakit nasabi po ninyo na "general" yung SPA ninyo. Para ninyong sinabi na ang toothpaste ay colgate. Mali di po ba?

Malakas po ang hinala ko na GPA po yung dokumentong iniwan ninyo sa nanay ninyo yun nga lang ay may pamagat itong "Special Power of Attorney". Kaso, hindi po yung pamagat ng dokumento ang masusunod para masasabing ang isang power of attorney ay SPA o GPA. And susundin po diyan ang mga katangian (nature) ng mga kapangyarihan (powers) o mga gagawing kilos (acts) na ibinibigay ng principal sa attorney-in-fact. Mas partikular po ang mga "powers" sa SPA hindi katulad sa GPA na mas "encompassing" or mas malawak ang saklaw. Kumbaga, sa GPA po ay mas "generalized" yung "powers" ng attorney-in-fact habang sa SPA ay mas tiyak o "specific" ika nga.

Sa atin po kasing nasasakupan, meron pong mga transaksyon na SPA po talaga ang kinakailngan katulad ng sitwasyon ninyong mag-ina. Gaya po nung nasabi ko, malamang GPA ang hawak ng nanay niyo kaya hindi po ito binigyang sapat ng bangko. Kung kaya, nararapat po lamang na gumawa po uli kayo ng panibagong SPA at dun po ay gawin ninyong mas patikular ang ibibigay nyong "powers" sa nanay minyo. Nabanggit na po ninyo ang proseso.


Nakakadugo pala sa ilong mag tagalog. drunken

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum