Good day! Tanong ko lang.. Nagpakasal po ako nung November 2007, then nghiwalay po kami nung September 2009 kulang sa dalawang taon lang po kmi nagsama ng husband ko kasi hindi ko na po matiis ang ugali nya, lagi lang po kasi kami nag-aaway dahil sa bisyo nya and aside from that wala pa syang trabaho, ako lang ang may trabaho, hindi nya kami kayang buhayin magina, lagi lang syang umaasa sa magulang nya at hanggang ngayon wala parin syang trabaho. Sa kasalukuyan nasa kanila yung bata, ayaw ibigay sakin dahil nabalitaan nila na ngkababy ako sa ibang guy. Pwede nya po ba akong kasuhan ng adultery kahit na nasa kanya naman ang pagkukulang? Pano yung anak namin wala n po ba akong karapatan sa bata dahil lang sa nagkaanak na ko ulit ngayon? please help. thanks