Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

HomeLot purchase

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1HomeLot purchase Empty HomeLot purchase Thu Feb 25, 2010 3:36 pm

carplay


Arresto Menor

Need your Legal advise lng po.

Nagpurchase po ako ng home lot bale 2x150 sq. meters (300 sq. meters total)..installment basis po ito...with corresponding conditional deed of sale. Fully paid na po ito with all the OR's with signature's po lahat ng may-ari ng lot..Up to this date wala pa po syang binigay na deed of sale and home lot title..Pina verify ko po sa Registry of deeds nkuha ko po ang photocopy ng lot title namin (blank title for transfer na lng sa Name ko.)Follow up ko uli sa kanya ang sabi nya kailangan raw i transfer ako sa ibang location nman...kasi mali raw sukat when in fact ako pa nag bayad sa pag survey ng homelot namin..So duda na ako na something fishy is wrong..nag file ako ng complain sa baraangay namin to make a settlement with her (the lot owner).Sa diskusyon with local brgy. officials nalaman ko na binenta pala nya yung selected lot location ko to another party..So nag conclude na lng ako na refund na lng nya yung binayad ko sa lupa includung gastos ko sa fencing..Php 190,000 po lahat...Pero pagdating po sa deadline ng settlement agreement na pirmado naming dalawa na refund nya ang bayad wla po nangyari..wala talaga plano refund total amount na php 190T...Re-endorse ko po uli ito sa barangay namin para sa recommended nila sa action..
tanong ko po ano po ba solid case ang pwede ko ma file laban sa kanya para nman maibalik or ma pwersa sya na ma bayaran or ma refund yung nagastos ko sa lupa at sa fencing...salamat po.


bong

2HomeLot purchase Empty Re: HomeLot purchase Wed Mar 03, 2010 2:30 pm

attybutterbean


moderator

Hindi mo na kailangang magsampa ng kaso sa korte.

Nabanggit mo na nagkapirmahan na kayo ng amicable settlement sa barangay na nagsasaad na nangangako siyang ibabalik sa iyo ang 190k. Ayon sa Local Government Code, ang kasunduan niyo ay may bisa din tulad ng isang "final and executory" na desisyon ng hukom makalipas ang 10 araw matapos itong mapirmahan kung hindi ito ipapawalang bisa ng sinuman sa mga nakapirma dito. Dahil itong kasunduan niyo ay may bisa, sinasabi din ng Local Government Code na ito ay maaari mong ipa-execute sa lupon ng barangay kung sakaling hindi siya tutupad sa kanyang obligasyon.

Mayroon kang 6 na buwan upang ipa-execute mo ang inyong kasunduan. Ang iyong gagawin lang ay magsumite ng "Motion for Execution" sa Barangay. Sa aking pagkakaalam ay may form na ang Barangay ng "Motion for Execution" kaya maaari kang humingi sa kanila at punan mo na lang ang mga detalye. Kung hindi ka makakapagsumite ng Motion for Execution sa Lupon sa loob ng 6 na buwan ay maaari mo na lamang mapa-execute ang inyong kasunduan sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa korte.

Samantalahin mo na ang pagkakataon na ito para hindi ka na gumastos sa pagsasampa ng kaso sa korte.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum