Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Purchase of lot

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Purchase of lot Empty Purchase of lot Tue Mar 02, 2010 12:55 pm

dimple


Arresto Menor

Magandang umaga po sa inyong lahat naway matulungan nyo ako sa aking problema sa lupang binili ko under a purchase agreement.

Nung akoy nagbakasyon sa pinas merong mag asawa na in offer ibenta ung lupa nila sakin. Gumawa po kmi ng purchase agreement nagbigay po ako ng downpayment at ang nakasaad sa agreemant ay mag execute sila ng deed of absolute sale in case i fully paid the balance.

Pero nag decide po ako after a month na di ko na ituloy ang pag purchase ng lupa dahil nlaman ko po na may utang pa pala sila sa asosasyon at hindi nila mapa pirmahan ang subdivision plan at tama po ba na mag execute sila ng deed of absolute sale kung rights lang ang nabili nila sa previous seller?

Ano po ba ang kailangan kong gawin para mabawi ko ang down payment na binigay ko sa knila?

Maaari po ba nila ibenta ang lupa sa iba na hindi nila ipaalam sakin?

Pwede po ba nila e forfeit ang aking down payment dahil nag back out ako at hindi na bilhin ang lupa dahil magulo nga ang document? Pero wala po nakasaad sa purchase agreement na ma forfeit ang down kung umurong man ako sa kasunduan.

Ako po ay maghihintay ng inyong kasagutan.

2Purchase of lot Empty Re: Purchase of lot Mon Mar 08, 2010 1:21 pm

attybutterbean


moderator

Kung nais mong bawiin ang downpayment ay dapat ka munang magpadala ng demand letter. Mas mainam kung abogado ang gagawa at pipirma sa demand letter. Ipagbigay-alam mo sa pamamagitan ng demand letter ang mga dahilan kung bakit ayaw mo ng ituloy ang pagbibili sa lupa. Ito ay upang maipakita na ang iyong desisyon na ipagpaliban ang pagbili sa lupa ay dahil na rin sa mga kagagawan ng nagbenta at wala kang kasalanan dito.

Kung iisang barangay lang ang inyong tinitirhan ay makakabuti din na idulog mo muna sa barangay ang iyong problema.

Dahil nga papalabasin mo na ang seller ang may kagagawan at may kasalanan kung bakit ayaw mo ng ituloy ang pagbili sa lupa, may karapatan ka na bawiin ang down payment.

Kung kayo ay may kasunduan na ikaw ang bibili ng lupa, hindi niya ito dapat ibenta sa kahit sinuman ng walang pahintulot galing sa iyo. Obligasyon niya na irespeto ang inyong kasunduan. Pero nabanggit mo na hindi ka na din interesado sa lupa. Kaya kung sakali man na ibinenta niya ang parehas na lupa sa ibang tao ay huwag kang mag-alala dahil ikaw ay magkakaroon ng karagdagang dahilan upang hindi ipagpatuloy ang pagbabayad sa lupa at hingin ang anumang halaga na naibayad mo na.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum