RA 9262, violation against women and children. yan po ang finile na kaso sakin ng aking dating asawa nung nagdesisyon akong maghiwalay na po kami dahil wala na talaga akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. ang tanong ko po ay ganito. tama po bang yan ang violation ko eh more than one month lang kami ngkasama at ako ay umalis ulit ng bansa pagdating ko po ng pinas nag usap usap po kami ksama ang mga relatives at nanay niya ngkasundo po kaming kanya kanya na at umayon din ang nanay niya pero kinaumagahan meron na akong subpoena dala ng mga pulis at un ang nakalagay na kaso ko. hindi na din po kmi nagsama pagdating ko ng pinas dahil nag usap usap agad kmi at kinaumagahan kinuha na lahat ang mga gamit niya at umalis na din siya ng bahay. ano po ang posibleng mangyari sa kasong isinampa sa akin? thank you po at inaasahan ko po ang inyong kasagutan sa lalong madaling panahon.
Free Legal Advice Philippines