Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

physical injury....ako po ba ay makukulong?ano po ang nararapat kong gawin?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ayhel


Arresto Menor

good evening po,first time po nangyari sa akin ito,hihingi lang po sana ako ng legal advised,ganito po kasi nagkaron po kami ng pagtatalo ng tita ko,sinalubong niya ako at pinagsisigawan sinabi ko na po sa kaniya na ayoko pong makipagtalo sa kanya tapos bigla niya po ako sinampal ang ginawa ko po ay natadyakan ko po sya dahil sa napahiya ako kaya ko po un nagawa,pilit nya po ako sinisugod hanggang sa makalmot nya ang aking mga braso...nagulat na lang po ako nung gabing un eh pinatawag po ako sa brg. siya pa po ang nagreklamo may 10, 2011 po un ng gabi nangyari pero nagkapirmahan po kami sa barangay na kami ay nagkakasundo na nung gabi ding un,after a week my imbitasyon po ako ng lupon,sa ngayon po nakaka dalawang hearing na kami sa lupon ung pangatlo ay gaganapin sa june 4,2011...itatanong ko lang po sana ano ang mabuti kong gawin kasi po my pinakita syang xray result dated may 11, 2011 pero po wala pong damage ang findings na nakita,tapos may ultra sound din at iba pang general chek up records dated may 25,2011...gusto po nya na bayaran ko po ung mga nagastos niya umabot ng 8,000 kasi sa private pa po xa nagpa medical...ano po ba ang dapat kong gawin natatakot po kasi ako na baka po makulong ako,isa lang po ako house wife wala po ako maibabayad sa kanya,makakatulong po ba sa akin ung naging kasunduan nming pinirmahan?sana po matulungan nio po ako...maraming salamat po...God bless po....

attyLLL


moderator

you already have a signed agreement? then you should only fulfill your part of the agreement.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

ayhel


Arresto Menor

may pinirmahan po kami na "kami ay nagkasundo na at hindi na mauulit ang nangyaring away..." kami pong pareha ang nakapirma s harap ng aming XO sa barangy sa record book ng barangy noong may 10, 2011 mismong petsa ng aming pagtatalo.

kanina ay nagharap na po kami sa lupon para sa ikatlong pagaayos subalit pinipilit pa din po nya na bayaran ko ng buo ang halagang 8,000 na mga nagastos niya,pinaliwanag ko po sa lupon na wala po akong pera na maibabayad sa ngayon huhulog hulugan ko na lng po un, kasi nga po atty. wala naman po ako hanap buhay isa lang nman po akong housewife at cellphone technician lang po ang aking husband minsan my kita minsan wla,ang gusto niya ay bayaran ko po iyon ngayon mismo...kaya po bibigyan na lang po sya ng certificate to file action....ang huling pinirmahan ko sa record ng huling hiring nmin ay "hindi nagkasundo dahil hindi maibigay ang halagang 8,000 na nagastos sa medical certificate"...
ano po ba ang mangyayari kapag umakyat na sa piskal ang aming kaso?ako po ba ay makukulong?pwede din po ba niya na patungan ng ibang kaso ung isamsampa niya sa akin? sana po matulungan po ninyo ako,ako po ay natatakot dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang po ako haharap sa ganitong sitwasyon....Need your advised atty.salamat po... God bless.....

attyLLL


moderator

you should file your own complaint at the bgy for the slapping. that is considered slander by deed. you could then argue that what you did was self-defense. hope you have witnesses.

your aunt now has to file a complaint at the prosecutor's office. you will be given the opportunity to provide a counter affidavit.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

ayhel


Arresto Menor

kahit po matagal na pong nangyari ung pag sampal nya sken pwede pa po ba ako magfile ng complaint?mayron pong nakakita na ako po ay sinampal nya kya ko lang ngawang matadyakan sya,willing naman pong tumistigo ung nakasaksi sa amin....
Ang pinayo po sa akin ng aming brg chairman ay hayaan ko na lng dw po sya na magdemanda dahil yung kaso daw po nmin ay brg matters lang dw po....tama po ba un atty.?
kailngan ko din po bang magpunta sa PAO pra po mkapag file ako ng counter affidavit?magkakaron din po ba kmi ng hearing s piskal tulad ng ginawa nmin sa brg? ano po ba ang kailangan kong gawin kung may dumating sa aking subpin? Ngayon lang po ako nahaharap sa ganitong sitwasyon,nababahala po ako sa ano mang mangyayari sa akin... Di ko po talaga alam ung step by step na gagawin ko...pacenxa na po sa maraming tanong ko... Salamat po sa mga advised nio atty.

attyLLL


moderator

if it has been more than 2 months, argue that it is serious slander by deed. i don't believe you should play passive defense.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

ayhel


Arresto Menor

atty. pasensya na po di ko po masyadong naunawaan ang mga nabanggit nio,maaari po bang maipaliwanag nio po sa akin kung ano ang magiging laban or kahihinatnan ng aking kaso...makukulong po ba ako atty?ako po ba ay matatalo sa kasong isasampa nia at mas lalo po ba ako magbabayad ng malaking halaga kapag natapos na ang aming kaso? pasensiya na po kayo at salamat sa mabilis ninyong pagtugon sa akin....umaasa po ako na sana ay matapos na ang aking alalahanin.....

ayhel


Arresto Menor

dagdag ko lang po sana atty na ang medical certificate na ipinakikita nia ay negative po ang result maari po bang dinggin ng piskal ang ganitong kaso?

attyLLL


moderator

it depends on the prosecutor, but you can certainly point out that there is no proof of injury.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

ayhel


Arresto Menor

maraming salamat po sa lahat ng sagot nio sa aking mga tanong....malaking tulong po sa akin un lalo na sa aking pag aalala.... More blessings to come atty ipagpatuloy nio po ang inyong gawain marami po kayong natutulungan kagaya namin......

ayhel


Arresto Menor

atty karagdagan lng po kasi po sa ngayon lumalapit sa amin yung tita ko nakikipag areglo na bayaran na lang daw po nmin yung nagatos nila kahit hulugan na lang dw po namin ng 500 amonth yung 8,000.... Ang akin lang po kasi atty nabigyan na po siya ng certificate to file action,gustuhin ko man pong hulugan eh wala din po kami maiaabot dahil sapat lang po talaga ang kinikita ng aking husband sa pagiging celphone technician....ano po ba ang nararapat kong gawin?sana po mabigyan nio po ulit ako ng advice nio....salamat po......

attyLLL


moderator

that is totally up to you. if you do not settle, then she is entitled to file a charge against you. you can make a counter offer if you want.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum