Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ano po ba ang dapat kong gawin?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Ano po ba ang dapat kong gawin? Empty Ano po ba ang dapat kong gawin? Tue Apr 26, 2011 7:42 pm

star dash


Arresto Menor

hello po
ive been married for 17 yrs, but now more than 1 years physically separated. Me mistress po ang mr ko at me anak na sila ngayon, me asawa ung babae wala lang po dito. Ano po bang pwede kong gawin wala po kc akong picture na pwdeng ebidensya kundi ang verbal na pag amin lang at di ko pa po afford na magfile ng annulment o demanda. Ano po bang dapat gawin kung sakaling mahuli silang magkakasama. malakas po kasi ang loob ng mister ko na ibandera ang pictures ng baby nila sa side nya maging sa anak ko sa sa kadahilanan di ko na po sila pinipigilan ipinagdadasal ko n lang sana, pero para po kasing masayado na nilang inaapakan ang karapatan ko. Wala po kasi akong kilalang attorney na pwdeng lapitan, anu po ba ang gagawin ko.salamat po

2Ano po ba ang dapat kong gawin? Empty Re: Ano po ba ang dapat kong gawin? Thu Apr 28, 2011 7:14 pm

attyLLL


moderator

does he still send financial support to you?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3Ano po ba ang dapat kong gawin? Empty Re: Ano po ba ang dapat kong gawin? Thu Apr 28, 2011 11:16 pm

star dash


Arresto Menor

since last march po wala suporta at wala na din po sya trabaho. tinutulungan n lang po ako ng mother in law ko sa gastos sa amin ng anak ko. Paminsan minsan po nagbibigay ung ama ng gamit sa anak ko .

Dati kasi nag abroad mister ko nung last na uwi di n po sya tumuloy dito sa bahay namin, dun n po sya sa place ng babae , ung babae na daw po ang sumusuporta ng lahat ,asawa ko po mismo ang umaamin matapos ng ilang buwan na di sya nagpakita sa amin . HIndi po sila nagsasama sa iisang bubong kc me asawa po ung babae me edad na po kasi at me sakit pa. Umuupa sila ng bahay para dun n lang pumunta ung babae balita ko po kasama pa ang dalawang anak nya sa asawa nyang legal, ngayon po 3 na ang anak ng babae sa mister ko na ung bunso pero nakapangalan po sa asawa ng babae ung bunso .Hindi ko po alam ang exact lugar na tinirhan kc me kalayuan po dito sa amin . Sa ngayon po, binitawan n nila nag inuupahan n bahay umuwi sa probinsya namin ang mister ko, at me schedule sila kung kelan bibisita,naghohotel na lang po sila .Ang ikinasasama po ng loob ko, last month lang po bininyagan ang bata eh pilit pa isinasama ng asawa ko ang anak ko, at sa mga lakad nila ay iniimbita pa din ang anak ko na sinasabi naman sa akin ng bata , at nag huli po eh balak daw dalahin sa probinsya ng mister ko ang babae nya sa ung 3 bata.Malaya po silang nakakagawa ng ganun kasi nasa US po ung asawa ng babae at nagpapagamot. HIndi na din po kmi gaano nag uusap n mag-asawa kasi bukod sa bihira naman syang pumunta dito eh saglit lang at nauuwi lang po sa pagtatalo na sinasabayan nya nga pag alis sya pa nagagalit sa akin. Hndi ko alam kung anu ba ang mga dapat kong gawin sa bagay na ito, kasi ang payo po nga mgamatatanda eh ipagdasal ko na lang at hintayin ang karma, pero sa ginagawa po masyado na silang nanandya at lantaran naman.Hindi na isinaalang alang ng mister ko ang damdamin ng anak ko sa bagay n ginagawa nya. Nagdadalaga na po kasi ang anak ko kaya ingat na ingat ako, sya po kasi ang dahilan kaya pinili ko n manahimik na lang, na kabaligtaran naman ng gnagawa ng tatay nito. Ano po ba ang dapat kong gawin sa bagay na ito at san po ako pwedeng lumapit? sana po matulungan nyo ako, maraming salamat po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum