16 years old po ako ng makilala ko ang aking kinakasama, inilihim nya sa akin na may kasintahan pala sya ng mga panahon na iyon. nagsama kami agad at pagkatapos ng 8 buwan ay nagbunga ang aming pagmamahalan.
ngunit ang dati nyang kasintahan ay kung ano ano ang sinasabi tungkol sa akin na hindi maganda. nung una ay hindi ko pinapansin ngunit hindi ko na natiis ang kanyang mga ginagawa nung nagtagal. dahil sa networking site na facebook ay nalaman namin ang kanyang mga pinagsasabi sa akin.
nabasa ito ng aking bayaw, na agad namang kumuha ng screenshot ng paguusap ng kanyang kaibigan.
tinatawag akong pokpok at kung ano ano pang masasama/masasakit na salita. sinabi nya pa na susuntukin nya daw ang tyan ko nung buntis ako para hindi ako manganak.
may laban po ba ako kung magsasampa ako ng kaso sa babaeng ito? ano ang dapat kong isampang kaso? sana po ay matulungan ninyo ako. maraming salamat po.