Lahat naman ng problema ng mag-asawa ay pwedeng pag-usapan.
Yes, pwede kayong patulong sa barangay at pag-usapan nyo kung kanino dapat yung custody ng inyong anak habang nagtatrabaho ka sa ibang bansa. Ilagay nyo lahat ito sa kasulatan at dapat may pirma nyong pareho as evidence ng pareho nyong pagsunod dito. Pwede naman kasi na nasa custody ng tatay yung bata pero dapat may visitorial rights din yung mga magulang mo (lalo na ikaw kung nasa PH ka). Pareho kayo dapat may kopya nito.
Kung magiging full-blown case of custody ito, may mga provisions sa Family Code na pabor sa iyo. Generally kasi, children below 7 years old belong to the custody of the mother. Kapag nangyari na yung pagkakaso, kuha ka agad ng lawyer na mag-aasikaso ng case mo especially if nasa ibang bansa ka.
Kung financially constrained ka, pwede kayong pumunta sa Public Attorney's Office sa City or Municipal Hall para humingi ng libreng legal advice.
Pero sana hindi na umabot sa korte since mahal yung bayad sa mga legal fees and sa buong proseso ng pagkakaroon ng kaso. Pag-usapan nyo muna ito ng mahinahon para di na umabot sa korte yung problema nyo.
Sana magkaroon ng nararapat na lunas ang iyong problema.