Nagdemanda po sya 2012 umabot po sa korte, tpos nirekomenda kmi sa mediator. Nagkaayos naman po sa amount na isusupport sa bata. Tapos after almost 2yrs nirevived nya po ang kaso kc daw di ako nagpadala ng ilang buwan.
Nagpapadala po ako, although minsan nale-late, pero kinukumpleto ko. Nasakin po lahat ng resibo. Tapos nung itanong ko sa remittance center may 2 months pala sya na hindi na-claim. Ang ginawa ko po nagpadala nalang ako ng pani bago to cover the 2months. Tinanggap naman. One month kalahati lang nabigay ko kc wala po akong pera talaga, pero the following month dinagdag ko kulang na kalahati.
Ngayon sabi nya po itutuloy parin ang demanda at nagpapadagdag. May trabaho po sya. Ang asawa ko naman po housewife lang. So sakin po lahat ng expenses.
Ano po pwede kong gawin?
Magbe-bail po ba ulit ako?
Anytime na gusto nya irevive ung kaso pwede po ba un?
Gusto ko rin sana magabroad kaso di na po ba mawawala ang hit ko sa NBI clearance?
Makukulong po ba ko kahit nagbibigay naman ako?
Sana po may tumulong sa inyo. Salamat.