please po, pakitulungan ako sa kaso ng aso po namin. may beagle po kasi kami sa bahay na laging pinupuntahan ng mas malalaking aso ng kapitbahay, hindi po namin pinalalabas ang mga aso pero ang aso po ng kapitbahay ang pumunta sa gate at kinagat po ang tenga ng beagle. napingasan po ang tenga ng kawawang aso, paglabas po namin para tignan eh duguan napo ang aso. red marks po ang bloodline ng beagle at sabi po ng vet hindi na po matatahi at maibabalik sa dati ang tenga nya, which also disqualifies it to dog shows. and masakit po nito eh ayaw po magbayad ng kapitbahay sa danyos na ginawa ng aso nila at sinasabing 500 pesos lang daw po ang ibibigay nila sa danyos. nagwawala po ang kabitbahay namin at naghamon pa ng sapakan when my sister tried to communicate with them. nakadalawang balik napo kami sa barangay pero ayaw po nilang magbayad ng danyos. ano po ang dapat naming gawin ukol dito? sana po matulungan nyo kami.