Good day! May katanungan po ako tungkol sa maternity claim ko sa SSS at sana matugunan nyo po ito sa lalong madaling panahon. Isa po akong bulag na ngayon ay isang volunteer na SPED teacher, dati po ay nakatira ako sa isang institusyon para sa mga batang may kapansanan. 2006 po ng kuhanan kami ng SSS ng paring namamahala sa aming center, at mula noon ay buwan-buwan niya itong hinuhulugan. Nalaman ko lang po nitong 2010, noong ako ay magpa-file sana ng maternity claim na invalid ang lahat ng hulog namin. Mayroon daw pong kulang sa mga form na ipinasa ng social worker namin dati, ang pinagtataka ko lang ay bakit pinagsimula na kaming maghulog at patuloy silang tumatanggap ng hulog mula sa amin samantalang invalid pala ang aming application. Nabanggit po kasi sa akin sa HR ng pinagtatrabuhan ko ngayon na baka may magawa pang paraan upang makuha ko yung maternity claim ko na mahigit P20,000. Gusto ko lang pong malaman kung may habol pa po ba ako at kung anu-ano po ang mga hakbang na dapat kong gawin. Maraming salamat po.