May dumating po na warrant for qualified theft sa anak ko, pinuntahan ko po ung rtc branch sa q. c kung saan nai-file ung kaso, at binigyan po nila ako ng kopya ng complaint, at nakalagay po dun sa recomended bail ay 90,000 pesos, sinabi po sa akin ng rtc branch na puede kami mag file para mababaan ang bail, pero kailangan kasama ko na po ung anak ko, hindi po ba nila ikukulong ang anak ko pag isinama ko cya para mag file ng motion to reduce bail dahil warrant po ung dumating sa amin, at isa pa pong tanong ko, yun pong company na complainant ay dissolve na po, hindi na po cya existing, ano po ang mangyayari pag ganun, sanay masagot po agad ang mga tanong ko dahil masyado na po ako naapektuhan sa pangyayari at hindi na po ako nakakatulog simula nung dumating ung warrant sa anak ko 10:00 po ng gabi... Maraming salamat po
Free Legal Advice Philippines