Kinasuhan po kasi ang brother ko ng qualified theft ng dati niyang employer dahil naturuan siya ng mga matatagal na sa companyang ahente din tulad niya. Umamin sya sa kasalanan niya at sinabi din niya na hindi lang sya ang gumawa non. In fact matagal ng may gumagawa daw ng ganon sa kumpanya nila. Nganyon hinuli siya kasi may warrant siya ng Qualified Theft amounting to 900k. Ang alam ng brother ko hindi pa umabot sa 100k yung nakuha niya kasi since 6 months lang siya nag work duon. After namin magbayad ng pyansa, nakipag harap kami sa abugado ng kumpanya para makipag settle. Kasi wala naman kaming ganon kalaking pera and ayaw din namin tuluyan na siyang makulong. Ang inoffer sa amin ng abugado eh 50% ang ibabayad namin kasama na dun yung sa pyansa and nag site kami ng request na kung pwd isastaggard namin siya. Ngayon parang ayaw pumayag ng kumpanya kasi dapat daw bayaran yung full amount. Paano po yan kung wala talaga kaming mapagkukunan ng ganon kalaking pera? Ayw po namin na makulong brother ko po. Willing naman po kami magbayad sana. Hindi ba nag mamatter ang livelyhood ng nasasakdal sa mag hingi ng demand? ano po pwede naming gawin eh wala po kaming abugado..