Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

disinheritance

Go down  Message [Page 1 of 1]

1disinheritance Empty disinheritance Mon Sep 17, 2018 4:57 pm

almar


Arresto Menor

Magandang araw po sa lahat. Gusto ko lang po sana isanguni sa ating mga buting abogado ng bayan ang isang bagay na maari pong may kahalintulad na sitwasyon sa iba pong makakabasa at taga subaybay dito sa Pinoy Lawyer.
Ang aming pong yumaong Ina ay naatasang maging representante sa mga titulo ng lupa na inawan ng kanilang mga magulang na matagal na pong yumao. Ang titulo po ng lupa ngayon ay nasa pangangalag ng kanyang kapatid. Nitong nakaraan ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga nabubuhay na kapatid ng aking Ina kasama na po ako bilang representante ng aking mga kapaitid. Sa pagpupulong po ay napagkasunduan ng ibenta ang lupa nasasabi sa kadahilanang ang mga pamilya ng mga tagapagmana ay naninirahan na dito sa Kamaynilaan. Napag usapan din po sa pagpupulong ang isang usapin na sa lupang nanbanggit na kung sakaling maibenta ay hindi na maaaring makihati ang dalawa sa anim na magkakapatid sa kadahilanang nakakuha na sila ng kanilang kaparte noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang. Ang katanungan ko po ay ang sumusunod:
1. Valido po bang rason para hindi maisama sa hatian ang dalawang kapatid sa deklarasyon ng apat na kapaitd?
2. Kung ang isang kapatid na inaalis sa hatian ng ari arian ay yumao na, maari bang kontrahin ng mga anak nya ang deklarasyon ng mga nabubuhay na kapatid ng kanilang magulang?
3. Ano po ang maaring gawin ng mga kapatid na may deklarasyong wala ng karapatan sa hatian ang dalawang kapatid na nauna ng nakakuha ng kanilang mana?
4. Ano naman po ang puwedeng gawin ng dalawang kapatid na gustong hindi na maisama sa hatian para ikontra ang deklarasyon ng apat nilang kapatid?

Naway magkaroon po ng kaunting panahon ang sino man sa ating mga Abogado ng Bayan ang makapag bigay linaw sa aking mga katanungan.

Lubos na gumagalang,

Almar

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum