Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child support

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1child - Child support Empty Child support Mon Sep 10, 2018 11:38 am

Aiannjoy


Arresto Menor

Magandang Araw po. Ako po si Joy. May dalawang anak sa una kong kalive in ng almost 11yrs. Nasa abroad po sya. Ako po ay may nakarelasyon na dati kong ksamahan sa trbaho na may kinakasama at isang anak. Itinago niya ako sa loob ng 8buwan ng aming relasyon. Ngayon po ay buntis ako ng 6 na buwan mahigit.. Nitong august lamang po niya inamin sa asawa nya lahat lahat. Samantalang ako nmn po ay nakipaghiwalay na sa asawa ko ng malaman kong buntis ako sa kanya. Umalis na po sya sa bahay nilang magasawa nitong august 21 at bumukod sya sa kdahilanang ayaw na rin sana nyang makipagayos sa asawa nya. Pero susustentuhan nya ang anak nila 3k kinsenas at kailangan nya kong hiwalayan ayon sa asawa nya dahil kung hindi nya ito gagawin ay ilalayo sa kanya ang anak nila at iuuwi ng probinsya. Sya araw araw ang taga hatid sundo sa eskwelahan sa anak nya. Subalit kahit hiwalay na sila ako pa rin ang madalas nya kasama. Hindi kami nagsasama sa inuupahan nya subalit madalas nya akong papunthain don. Mdalas pa rin kami magkita. Pero nitong katapusan lng ng august at nakipaghiwalay sya sa akin upang makipagayos daw sa asawa nya dahil naaawa sya sa anak nila. Napakasakit sa kalooban dahil hindi nya naisip ang anak naminng dinadala ko palang. Nagusap kami para sa bata subalit ang sabi daw ng kinakasama nya ay 1k lang ang ibigay sa akin kada sweldo. Samantalang kumikita sya ng 9-10k kinsenas. Nakiusap ako na 1500 manlang sapagkat walang wala akong pinagkukunan maski ano dahil nawalan ako ng trbaho dahil sa nangyari sa amin. Alam rin nya na kahit anong gamit ng bata ay wala ako. Maski pakpacheckup at pambili manlang nv maluluwag na damit ay wala. Nakiusap ako n 1500 hanggat hindi pa lumalabas ang bata. At paglabas ay 2k n ang ibbgay nya. Pumayag sya at usapan namin n sya ang magbbagy sa akin sapagkat masakitnpa rin sa akin ang ginawa nyang pagtalikod sa amin ng bata. Subalit ng sumweldo na sya ay tumwag sa akin ang asawa nya at siya daw ang magbbgay ng pera sakin. Sa halagang 1500 ay ipapamuka nya lahat ng sakit. Stress na stress na ako sa kanila. Hirap na hirap na nga ang kalooban ko ganun pa ang gagawin nila. Undi ko kinausap ang asawa nya. Hapon n ng tineks ko sya at sinabing ang sama nmn nya. At hindi na kako ako magkokonsidera 2k na po ang hiningi ko. Napkalaking luwag na nun para sa kanya. Subalit nagtalo pa kami dahil hndi n raw paoayag ang asawa nya dahil ayaw tlagang pasustentuhan nito ang anak namin. Ano po ba ang dapat kong gawin. May karapatan po ba akong magdemand para rito sa bata. At may karapatan po ba ang asawa nya na harangin sya sa responsibilidad nya dito sa bata. Sinabi nmn po nya sakin na kinokontrol sya ng asawa nya dahil sa anak nila. Mahal na mahal po nya ang anak niya kaya kahit anong sabihin ng asawa nya ag sinusunod nya dahil kapag hindi ay iuuwi ang bata sa probinsya at ipagkakait sa kanya.. Nagsusuffer na ko po ako psychologically, emotionally, mentally lahat lahat pati itong batang dinadala ko sa lahat ng sakit at hirap na pinaparanas niya sa akin. Sana po ay matugunan ninyo ang aking problema. Maraming salamat po.

2child - Child support Empty Re: Child support Mon Sep 10, 2018 12:16 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

unfortunately, hanggat hindi pa lumalabas ang bata, hindi ka pwedeng mag demand ng support. pag lumabas naman na ang bata, kailangan nya muna ito kilalanin na anak nya. once kilalanin nya na anak nya ang bata, pwede ka mag send ng demand letter sa kanya para sa support ng bata.

also, kung ayaw mo sila makasalamuha specially yung babae, bakit hindi ka na lang magrequest na sa bank account ihulog yung sustento?

3child - Child support Empty Re: Child support Mon Sep 10, 2018 3:01 pm

Aiannjoy


Arresto Menor


Thanks for the reply. For now naman kasi willing naman itong tatay ng bata na magbigay ng sustento dahil anak daw nya to. Yun nga lang po ung live in nya lang yung tumututol.. Kung sya nga lang daw ay wlaang problema kahiy 5k ang ibigay nya di lang nya magawa dahil sa nakokontrol sya ng livein nya dahil sa sinasabi nitong ilalayo sa kanya ang bata kapag ginawa nya ang gusto nya. He knows nmn po kasi na nwalan ako ng lahat mula ng naging magkarelasyon kami kya alam nyang kailangan nyang gastusan lahat dito sa bata ultimo ang pAnganganak ko. Sa ngayon po ay nagkasundo kami. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan nya mapapanindigan ang mga sinasabi nya.

4child - Child support Empty Re: Child support Mon Sep 10, 2018 4:54 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Unfortunately, sa ngayon wala kang legal na paraan para mapanagot yung ex mo. kung papayag yung ex mo sabihin mo magpirmahan kayo ng kasunduan sa barangay para may panghawakan ka.

5child - Child support Empty Re: Child support Mon Sep 10, 2018 5:00 pm

Aiannjoy


Arresto Menor

Yes. Actually yan din sana ung plano ko and sumangayon naman sya. Yun nga lang di ko lang rin alam kung kailan sya magiging available dahil sa trbaho nya.. So hanggat di pa lumalabas tong bata ay wala akong karapatang obligahin sya para dito sa bata 😔

6child - Child support Empty Re: Child support Mon Sep 10, 2018 5:07 pm

Aiannjoy


Arresto Menor

May isa pa po akong concern sana. Bale ito naman po ay tungkol sa ama ng dalawa kong naunang anak. 8yrsold na babae at 2yrsold n boy. Simula ng malaman kong buntis ako sa pangatlo ngayon ay nakipaghiwalay na ko sa asawa ko na nasa abroad dahil ayoko rin naman ng lokohin sya.. Subalit mula nuon kahit d p nya alam ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko ay hindi n sya nagpadala sa mga bata.. Hanggang ngayon. Nung nkaraang linggo lang ay nagkausap na kami at inamin ko na ang lahat sa kanya.. Ilang buwan ng walang wala ang mga anak ko. Palagi namn syang kinakausap ng mga anak nya at ito na mismo ang nanghihingi sa kanya subalit puro lang siya pagkasweldo. Pero ilang araw na ang nkakalipas sa pagksweldo nya ay wala parin.. Nahihirapan na rin akong makipagusap sa mga mgulang nya ng para lang sa mga bata dahil ako nman simulat sapul ay hindi ako naghahangad ng para sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin para sa karapatan ng mga anak ko sa kanya. Hindi kami kasal subalit mula ng ngabroad sya ay 10k lng ang padala nya sa mga bata na kapos n kapos sa isang buwan dahil sa lakas ng gastos.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum