Nasa looban po kami pero may right of way po kami papunta sa public road na 2 meters. May van po kami na ginagamit naming service pag nagpapacheck up po ang anak ko sa Manila, dati po sya may brain tumor at halos bulag na po kaya hindi po talaga pwede na wala kami sasakyan. Nabalitaan po namin na magbabakod na yung may-ari ng lupa (sila po ang nasa bukana) na katabi ng right of way namin at nagwoworry kami na hindi kakasya ang van namin once na magbakod sila. Kaya nakiusap po kami na kung pwede po na pagbilan kami ng 1/2 meter pero ayaw po nila. May laban po ba kami kung dadaanin ito sa legal base po sa easement of right of way.
Free Legal Advice Philippines