Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unpaid loan now with text message that I will be given warrant

+3
marex10071990
xtianjames
SAA
7 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

SAA


Arresto Menor

Hi Atty,

please help me with my case. I receive a text this morning that tomorrow po 05/22/2018 a bench warrant will be served to me at 11am. Sabi nila icheck din nila Ang property ko or Yung inuupahan ko na kwarto Dito sa address ko. Tinawagan ko po Yung nasa message na icontact Ang name Mardy Gonzales. Nung tinawagan ko po nirefer ako tawagan Yung Pasig Metropolitan Trial Court Kay Judge Yolanda Pascual at Yung OCC na name is Oscar Villanueva. Di bale CP number po yung binigay sa akin. Nakausap ko Yung Oscar at sinabi na nag file Ng case against me Yung Corporate lawyer Ng Doctor Cash Kasi unpaid debt na umabot Ng 98k. May civil at criminal case na daw ako at binigyan ako Ng case number. Nag paliwanag ako na Wala PO ako magbayad gawa Ng pabalik-balik po Ng ospital Ang Nanay sa loob Ng 2 taon gawa Ng sakit nya sa bato at dugo. 6k Lang utang ko which nabayaranko back in 2016 Ng helps 9k at puro sa interest Lang daw iyon. Yung kaibigan ko PO na law student nung ina-address ko Ang issue sa kanya nicheck nya sa Camp Crame kasi yung Sabi sa text Yung mag serve Ng bench warrant sa akin is from Camp Crame. Pero Wala na Naman na ganon niseserve sa Camp Crame. Tinawagan din Ng kaibigan ko Yung Pasig MTC at walang judge Yolanda at OCC na Oscar sa branch 71 ng Pasig MTC. Sabi sa akin nanakot Ang debt collector Ng Doctor Cash walang-wala man po ako maibigay ang sweldo ko po di inabot Ng 15 days ubos na gawa Ng nabaon kami sa utang sa pagkakasakit Ni Nanay. Ako po ang bread winner sa family. Nakiusap po ako if pwede mag karon Ng payment arrangement at bayaran ko paunti-unti di daw pwede. Please advise po, makukulong po ba ako dahil Dito? Ang tubo PO nila more than 100% SA taas. At nakakatakot PO ipapasara daw nila tinitirhan ko Wala man ako pag aari Kasi nirerentahan Lang namin itong maliit na kwarto. Tulungan nyo po ako. Maraming salamat

xtianjames


Reclusion Perpetua

ignore them. warrant is not sent through text or calls. collection agency lang yan na nananakot.

marex10071990


Arresto Menor

hi atty.
hihinge po sana ako ng advice kasi po natatakot po ako kasi may nag text po sa akin na may mag se serve daw po sa akin ng bench warrant po bukas ng 2pm at titignan daw nila ang mga gamit ko sa bahay ako ay nangungupahan lang. diko po alam bakit may bench warrant na sila ibibigay galing sa NCRPO na mag conduct daw sila ng pliminary attachment to check my property kilangan kudaw sumurrender sa capm bagong diwa. kay PS/Supt. Nicolas Salvador oic regional noperation. may utang po ako sa doctor cash na 3k hinde kupo nabayaran agad gawa ng na walan ako ng trabaho at sobrang laki napo ng tubo. pinakausapan kupo na babayaran ko nalang ng kahit kakaunti kasi walang wala po ako. peru hinde daw po. atty. bakit may warrant sila agad na wala manlang advice sa akin o tawag nila. sana ma bigyan nyo po ako ng advice.
salamat po

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Basahin mo ulit yung message ni xtianjames:

ignore them. warrant is not sent through text or calls. collection agency lang yan na nananakot.

Kung kakasuhan ka man, collection case lang at wala yun kulong bilang parusa, kaya wala din kahit sinong makakapag-issue ng warrant laban sayo. https://www.alburovillanueva.com/proven-ways-debt-collection Walang nakukulong kung ang tanging kasalanan mo lang ay hindi ka makabayad ng utang.

marex10071990


Arresto Menor

maraming salamat po atty.

marex10071990


Arresto Menor

hello po good day ask kung sakali pong wala pa akong pambayad sa loan ko online kasi po nawalan ako ng trabaho tapos ngayun po hina harrass napo ako nila. may utang po ako na 3k tapos ngayun po umabot napo sa 5700. naki usap ako kaso ayaw nila pumayag. pwede po ba ako nila kasuhan?

maxwell_24


Arresto Mayor

pag nagkaso po sila sayo sa tingin ko mas malaki pa ang magagastos nila kaysa sa nautang mo. i pa settle nyo na lang po sa brgy.

Rohan.Desmond


Arresto Menor

Hello,

Pwede po ba nila kasuhan kapag nasa 25k ang utang? Incase makasuhan ka nga, mag shoshow po ba ito sa NBI Clearance mo? Thanks.

Pongpagong19

Pongpagong19
Arresto Menor

Paano po pag 300k na po yung utang? may chance po ba makulong. at wala na po talaga means para makabayad? makukulong po ba nun?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum