Hi! Good Day po...Ako po ay hihingi ng magandang advise or suggestion...Ganito po ang situation, Ako po ay may-ari ng isang TRICYCLE,ako din po ang operator sa madaling salita.Nadawit po ang tricycle sa isang gulo or krimen.Ganito po ang pangyayari,kamag-anak ko po ang driver ng tricycle ko na nadamay sa krimen ng pagpatay.Maraming,nakapagsasabi na hindi naman po ginamit ang motor sa pagpapatakas sa kriminal pero sa naganap na investigation sa police station may umapilang witness dun na dinidiin na nakita daw nyang ginamit yung tricycle ko sa pagtakas ng suspect samantalang naiwan lang naman yung tricycle sa paradahan. Na-impound po ang tricycle ko ngayon sa police station sa kadahilanang ito nga ay ginamit daw sa krimen. Ano po ba gagawin ko para mabawi ko ulit ito? Salamat po sa inyong kasagutan.