Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Breach of contract in buying a property

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1property - Breach of contract in buying a property Empty Breach of contract in buying a property Wed Dec 06, 2017 7:14 pm

JereziahE


Arresto Menor

Good day po sa mga Real Estate lawyers or experts dyan.

Gusto ko lang po sanang humingi nang advice tungkol sa pag bili nang lupa at bahay.

Nagdecide po ako na bumili nang lupa't bahay. Mabuti naman ang aming pag uusap at napag kasunduan namin ang presyo sa naturang property.

Napagalaman ko pong ang lupa't bahay na kanyang pinagbibili ay parte nya mula sa kanyang mga magulang. Di pa po nakapangalan sa kanila ang titulo, Deed of sale at tax declaration lang ang kanilang pinanghahawakan.

Ngayon, napagkasunduan namin ang mga sumusunod:
1. downpayment at monthly payment via Cheque.
2. right of way
(marami pa po pero etong 2 lang ang mukhang pinaka importante at involve sa mga tanong ko)

Pumirma ako bilang Buyer, yung anak nang may ari bilang Seller, kapatid ko at nanay nang seller bilang witnesses.

Sinimulan po agad namin ang renovations.

Pagkalipas nang 3 buwan, nag text sakin ang seller. Naiwala daw po nya ang cheque. So nagpunta ako sa banko para sana ipakansela yung cheque. Bago lang po ako kung tungkol sa checke ang pag uusapan kaya di ko alam na may bayad pala.
Ininform ko ang seller na may bayad ang pagpapakansela via text message.
Nagreply sya na kung pwede i cash nalang para wala nang cancellation. Kaya nagreply ako na di pwede dahil baka may ibang mag incash nun.
Sya pa ang nagalit na ang hirap ko daw kausap at imposible daw na makopya nang nakakuha ang pirma at ID nya.
Marami pa kaming convo hanggang sa nag text sya sakin na kung pahirapan lang daw ang gusto ko ay di nya raw ako padadaanin sa gate nila dahil di yun right of way nang lupa't bahay na binili ko.
So sa galit ko tinext ko sya na kung ganyan din naman mabuti pang bawiin nalang ang kasunduan at kunin namin pabalik ang downpayment at mga nagastos namin para sa renovations. Nag reply sya na sige daw pero yung mga gastos na may resibo lang ang babayaran nila.

Ngayon eto po ang gusto kong mabigyan nang advice:
1. Tama po ba na ekansela ko ang aming kasunduan?
2. Hinggil sa right of way namin, nagpagalaman ko na nung etinirik nila ang bahay (btw 2 storey po), eh wala nang allowance, sinagad nila sa boundary at mukhang wala na talagang right of way at sa mismong gate lang nang compound kami makakadaan.
3. Pwede po ba kaming makahingi nang damages?
4. Kung yung may mga resibo lang ang kanilang babayaran, plus sa downpayment at 3 months, edi lugi kami. ano pong maipapayo ninyo dito.
5. Ano po ba ang dapat kong gawin? Di ko na po alam kung saan at kanino pupunta. Hirap pala neto.

Thanks in advance po para sa mga makakapag bigay nang payo sa kung ano ang dapat kong gawin.

God Bless Smile

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung nasa contract nyo naman na cheque ang bayaran ay hindi ka required na sundin yung gusto nila. pwede mong sabihin na papacancel mo yung cheque at their expense since sila ang nakawala at tsaka mo sila bayaran ng cash tulad ng gusto nila.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum