Yung situation po ay nag decide kami friend/business partner ko na bumili ng laundry business. Nagbigay na po kami ng tig-25k na earnest money sa seller pero wala po kaming pinirmahang any contract. Actually dapat meron talaga pero we all agreed na mag deposit na lang muna through bank and yung pirmahan for this earnest money is sa susunod na meeting na lang kaso ang nangyari is nagkaron ako ng emergency and I need to back out from the laundry business. Technically, everything was through verbal agreement lang.
Kinausap ko po yung business partner ko and yung seller. Ang sabi po nung seller, yung earnest money is nagamit na daw para maorder yung new parts para sa mga machines and because of that, nakapag decide na yung business partner ko na ituloy na lang din mag-isa since kaya naman niya bilin yung shop and gusto rin naman niya ding ituloy.
Ngayon parang naiipit po yung pera ko and I know na sobrang naging hassle yung naging decision kong magback out sa kanilang dalawa pero gusto ko lang itanong if may rights ba ako to refund the money knowing na walang contract na pinirmahan and through verbal agreement lang po.
I really need an advice po. Thank you so much!