Gusto ko lang po humingi nang advice tungkol sa support ko sa anak ko sa babaeng di ko pinakasalan..
Ganito po kasi yan nung pinanganak yung anak ko and i decided not to marry her mother nagpunta ako sa kanila at agad2 pinapirma ako nang nanay nya nang kasunduan na susuporta ako sa bata at ito naka notaryo na po..sa kaba ko pumirma ako at naglagay nang amount na 15k per month whilst i am onboard lang..ako po ay isang seaman..nung sumakay na ako uli i failed to give enough amount kasi po ako yung breadwinner nang family namin malaki din yung pangangailangan nang family namin kinausap ko sya kung maari 5k muna padala ko at pumayag naman sya..two months pass nakatanggap ako nang demand letter galing sakanya tru my company asking all the remaining money i have not given to her since i went onboard from her atty...para wala na pong gulo binayaran ko ang kulang ko and maintain 15k per month after that incident..ngayon po nagpakasal na ako at may pamilya na and expecting our first child soon..tanong ko lang po..do i have the right to reconstruct the amount of support to my child?kasi po ngayun nasa japan na po yung nanay nung anak ko pwede po bang babaan supporta ko sa bata since may trabaho na sya..pwede po bang hati kami sa gastos nung bata who is turning 2 dis august? Salamat po God Bless..