Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Violence against women and child no support /warrant issue

+2
rda
thinkhokhi
6 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

thinkhokhi


Arresto Menor

Eto po history bago po ako nag Ka kaso -
Naka base po. Ako Sa Uae sumunod po dito Ang wife ko end of July then August nabuntis po may mga tsismis pl Sa lugar nmin n may lalake asawa ko nag doubt ako n akin Ung BaTa , umuwi asawa ko pero Don n xa tumuloy Sa Kanila which is kabaranggay ko lng after Niang manganak buong may 1 , may dumating n demand letter Sa parents ko n nilagay Lang Sa terrace walang nag receive humihingi ng 50k Sa panganganak at 10k monthly para Sa sustento n Hindi nmn Kaya ng sahod ko ,dahil akala Nila Pag nasa abroad mayaman , sinusustentuhan ko kng ung panganay nmin pero parents ko nag bibigay , ngaun po sinampahan ako ng kaso n violence against women at child no support at napag alaman ko n my warrant n naka issue n .. At bail 24k ano po ba gagawin ko Kung sakaling umuwi ako ng pilipinas ? May usapan din Sa barangay Ang magulang ko at asawa ko n Pag pina DNA Lang Ang BaTa at napatunayan n Sa akin saka ko lang susuportahan, Wala din nmn po ako pirma Sa birth certificate kc andito ako Sa ibang Bansa nung nanganak . Ano po ba Ang magandang gawin ?

rda


Reclusion Temporal

Even if you didn't sign the birth certificate, as long as napatunayan through DNA na ikaw ung father ng Kid, they can still file a case to the court ans might still ask for support (support should still depend on the giver's capacity at hati ang nanay at tatay ng bata)

Try to communicate with the mom of your kid, to settle. Very Happy

thinkhokhi


Arresto Menor

Wala pong trabaho Ang nanay, ayaw din po makipag settle nanghihingi Ng 50k at 10k monthly , Ang sahod ko lamang ay 9000 monthly katumbas Sa Philippine money Kung uuwi ako kulang p sinahod ko Sa pang bail at hinihingi Nia .. Maaari po b ako kumuha Ng abogado Sa pao Kung sakali n uuwi ako Ng pilipinas at Kung Hindi nmn po ako uuwi Ng mga ilang taon para makaipon muna Maaari b n ako ay madeport ?

rda


Reclusion Temporal

Hindi maaaring basta idikta ng Ina kung ano ang dapat mong ibigay. Kelangan may basehan at kompyutasyon sa kung ano tlaga ang pangunahing pangangailangan ng iniong anak.

Depende rin ito sa kakayanan at kapasidad mong magbigay. Hati dapat. Kaya mas magandang i-declare mo ung details ng pay mo pra at least basis at documented.

Maaari kang kumuha ng abogado sa PAO kung indigent ka.

thinkhokhi


Arresto Menor

Need advise please Hindi po umuwi yung brother so the case is still pending ngaun naman po nanay ko naman ko Ang dinadamay Nila n nasa pilipinas May dumating po na subpoena galing po Sa nbi sinasabing accessories of the crime daw po Ang nanay ko Sa Hindi Pag uwi ng brother ko . Ano po ba pwede nmin ikaso Sa hipag ko n dinadamay na po Ang nanay ko . Aalis n po kasi c nanay as soon as n maayos na Ung papers Nia Papunta US ngaun po idinamay n xa ng hipag ko .

thinkhokhi


Arresto Menor

Balak po ba Nila na harangin din ung Pag alis ng magulang namin Kaya Nila pi na nbi nanay ko ano nmn po Ang mangyayarj Kung may nbi subpoena c nanay makakaalis pa po b xa within this year

marlo


Reclusion Perpetua


Magbigay ka ng monthly support sa asawa mo at mga anak mo na kinikilala mo. Hanggat di ka pumapalya, wala kang dapat ikabahala. Itabi mo ang mga ebidensya na makakapag patunay ng kapasidad mong sumuporta base sa sweldo o payslip mo. Harapin mo ang isinampang kaso para mapagusapan ang buwanang suporta. Kumuha ka ng abogado para maipagtanggol ka sa nais mo. Sumangguni sa PAO office para sa libreng abogado.

Katrina288


Reclusion Perpetua

Sabi mo "wife mo". Kung kasal kayo, hindi na kailangan patunayan ng asawa mo na ikaw ang ama kasi lahat ng anak na ipinanganak habang kasal kayo ay presumed na anak ninyong dalawa. Kung may duda ka, ikaw ang magpapatunay na hindi mo anak ang bata. (Kung hindi kayo kasal, ignore these statements).

Second, sana hindi mo muna hinusgahan ang asawa mo dahil lang sa tsismis kasi andaming tao ang mahilig manira ng kapwa. Sana inalam mo muna ang detalye at kinausap ng mabuti ang asawa mo.

Third, hindi ka magka-qualify sa free legal assistance sa PAO kasi 90,000 ang monthly income mo. You need to hire a private lawyer to defend you.


Regards,

Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

thinkhokhi


Arresto Menor

Atty Katrina 9000 pesos po Hindi 90,000 Hindi na po makipag usap Ung asawa ko Ang Sabi Nia pareparehas nalang daw po Kami n nganga Sa pilipinas, Hindi po b harassment n ginagawa Nila Sa magulang ko n dinadamay Nila. Pag pi b nag aabroad Hindi pwede Kumuha Ng abogado Sa pao kailangan private po tlg kahit Hindi kakayanin

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

Apologies, I misread the amount. Dahil 9,000 ang kinikita mo kara buwan, maaari kang magqualify sa free legal assistance sa PAO. Kung mapatunayan mo na 9,000 lang ang kinikita mo kada buwan, mayroon ka pa rin obligasyon na magbigay ng suporta sa anak mo, pero hindi 10k.

http://www.kgmlegal.ph

thinkhokhi


Arresto Menor

Maraming salamat po ngaun po ay pinadede port n daw po ako , binigay n Nila Ung pay slip ko at Ung expenses which 4000 in pesos lmg po Ang natitira sakin napupunta p Sa knila Ung 2k Hindi p sapat n may natatanggap sila Hindi po naniniwala Ang nbi n Ganon Lang kalaki Ang sahod ko n Nagtitiis kng ako dito para Hindi maging tambay Sa pinas , lalabanan ko nlng po Ung kaso Nila sakin at Kung Wala n po ako trabaho pwede pa po b ko obligahin Ng hukuman n magbigay king Wala nmn po tlg n maiibigay ? After ko po mag bail makukulong p po b ako Kung sakaling Hindi ko cla masustentuhan ? Thank you Ng madami 😞

marlo


Reclusion Perpetua


Iwasan mo na ang pakikipag usap sa ina ng bata kung ikaw lamang ay maapektuhan sa iyong pagtratrabaho o kung ito ay nagiging dahilan ng munti o palaging pagaaway dahil sa hindi pagkakasundo ay mas makakabuti imho mahinto muna ang inyong komunikasyon habang maingay pa ang alon ng dagat. Huwag mo sana iwanan ang iyong trabaho para sa kabutihan ng bata at para din hindi mahinto ang iyong suporta. Kung walang trabaho, pilitin maghanap.

Sumangguni sa PAO para magtuloy tuloy ang nais mong ipaglaban. Kung wala ka trabaho, maaring ma obliga ang iyong mga magulang o mga kapatid sa pagbigay ng patuloy na suporta habang naghahanap ka ng trabaho. Maari ring hatiin o pagkuhanan ang business ninyo o ari arian ninyo kung merun man.

Kung walang matatanggap na patuloy na suporta ang mga bata, at kung wala kang pang bail, ito ay hindi makakabuti sa sitwasyon mo at sa mga bata lalo na't walang simpatiyang iginagawad sa iyo ang asawa mo.

Kung madadaan sa mabuting kasunduan sa asawa eh mas maganda pero madalas hindi yan, pagtibayin ang dibdib at magdasal. GL

13warrant - Violence against women and child no support /warrant issue  Empty ask lng po Sat Jun 03, 2017 5:31 pm

furanshisu

furanshisu
Arresto Menor

marlo wrote:
Iwasan mo na ang pakikipag usap sa ina ng bata kung ikaw lamang ay maapektuhan sa iyong pagtratrabaho o kung ito ay nagiging dahilan ng munti o palaging pagaaway dahil sa hindi pagkakasundo ay mas makakabuti imho mahinto muna ang inyong komunikasyon habang maingay pa ang alon ng dagat. Huwag mo sana iwanan ang iyong trabaho para sa kabutihan ng bata at para din hindi mahinto ang iyong suporta. Kung walang trabaho, pilitin maghanap.

Sumangguni sa PAO para magtuloy tuloy ang nais mong ipaglaban. Kung wala ka trabaho, maaring ma obliga ang iyong mga magulang o mga kapatid sa pagbigay ng patuloy na suporta habang naghahanap ka ng trabaho. Maari ring hatiin o pagkuhanan ang business ninyo o ari arian ninyo kung merun man.

Kung walang matatanggap na patuloy na suporta ang mga bata, at kung wala kang pang bail, ito ay hindi makakabuti sa sitwasyon mo at sa mga bata lalo na't walang simpatiyang iginagawad sa iyo ang asawa mo.

Kung madadaan sa mabuting kasunduan sa asawa eh mas maganda pero madalas hindi yan, pagtibayin ang dibdib at magdasal. GL


what if may live in partner na xa.. tpos nagdidikti xa kung mgkno gs2 nya mkuha at bnubuly pa parents ko na lage xa nagttxt at nangghihingi ng pera..

thinkhokhi


Arresto Menor

Hi , just want to ask again . Regarding on the previous post , andito na po ung tatay nag pyansa n p0h xa , ngaun po ung nanay nmn ang NASA ibang Bansa ang umatend poh sa hearing ung nanay ng babae maaari po b yon , at ayaw po nila iatras ung kaso n dapat daw sustentuhan ng magulang ko ung BaTa wala n po kasi work ung tatay kc d makaalis dahil sa kaso , Ano po b ung pwede ng gawin ? Thank you

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

The private complainant being abroad will be a problem only for the prosecution when she cannot be presented as a witness to prove guilt beyond reasonable doubt. Otherwise, the case can continue, especially if the lack of support could be proven through the testimony of others.

thinkhokhi


Arresto Menor

Hi , need advice please , my kaso ako ng ra 9262 nag bail ako 22k then wala ung complainant nasa abroad mag hearing n isang beses pero nagkasundo Kami nung patents n ipa DNA nmin ung BaTa kung positive at sa akin ung BaTa sustento at iatras nila ung demanda at pag negative Hindi ko kksuhan ung asawa q nag harap lng Kami sa pari don lng mag usap , pero d nila inatras ung kaso at kinuha p nila ung isa Kong anak .
Balak ko ngaun niay abroad para masustentuhan ko cla , Ano poh mNgyayari sa kaso kokungaalis ako pa ibang bansa?
Pwede po b ko mag iwan nlng ng power of atty sa parent kopara xa magattent sahearing ?thankyou

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum